Pagpapaunlad sa coconut at coffee industry, isinusulong ng mga mamumuhunan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,166 total reads

Pinaiigting ng grupo ng mamumuhunan ang pagtulong sa coconut at coffee industry ng bansa.

Ito ay kasunod ng pagpapalawak ng distribusyon ng Kaffea at Chocolea sa Amerika upang maabot ang mga Pilipino sa ibayong dagat.

Ito ang paraan ng Starkaffea Corporation para tulungan ang mga magsasaka lalo sa Mindanao na mapataas ang kanilang kita.

Pangunahing sangkap ng choco drinks ang kape mula sa Mindanao gayundin ang asukal mula sa niyog bilang pampatamis na makatutulong sa pagpapanatili ng malusog na pangangatawan.

Layunin din ng korporasyon na mapaigting ang pangangalaga sa kalusugan ng bawat Pilipino lalo na ang mga naninirahan sa ibayong dagat na nagsusumikap maghanapbuhay para sa naiwang pamilya sa Pilipinas kaya’t mahalagang mapangalagaan ang kanilang kalusugan.

Sa datos ng pamahalaan mahigit sa 60-libong metriko tonelada ang produksyon ng kape sa bansa mula sa 113-libong ektaryang taniman kung saan malaki rin ang naitutulong sa pangkabuuang ekonomiya ng bansa.

Ayon naman sa Philippine Coconut Industry kumita ng 91-bilyong piso ang sektor ng magniniyog sa pagitan ng 2014 hanggang 2018 kung saan nasa 3.6 na milyong ektarya ang tinataniman ng niyog sa 69 na lalawigan sa bansa.

347 milyon ang fruit-bearing trees na kayang mag-produce ng 14.8 million metric tons ng kopra habang ang iba ay ginagamit sa paggawa ng iba’t ibang sangkap tulad ng asukal na ginagamit pampatamis sa Kaffea at Chocolea.

Nangunguna ang Davao, Zamboanga Peninsula, at Northern Mindanao sa mga rehiyon sa bansa na coconut producing regions.

UNDAS 2026, generally peaceful

 24,105 total reads

 24,105 total reads Itinuturing ng Manila Police District na generally peaceful ang paggunita ng Undas 2026 sa apat na pangunahing sementeryo sa Maynila, kung saan umabot

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Angry nerds

 43,275 total reads

 43,275 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 93,027 total reads

 93,027 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 252,221 total reads

 252,221 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 279,381 total reads

 279,381 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 311,762 total reads

 311,762 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top