Canonical coronation sa imahe ng Our of Assumption sa Bohol, pinangunahan ng Papal Nuncio

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,359 total views

Inihayag ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy na may mabubuting plano ang Panginoon sa kabila ng mga pagsubok na kinakaharap ng sanlibutan.

Ito ang mensahe ng obispo sa pagsapubliko ng tanda bilang National Cultural Treasure ng Assumption of Our Lady Shrine Parish sa Dauis Bohol nitong August 14 sa bisperas ng kapistahan ng Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit ng Mahal na Birheng Maria.

Matatandaang isa ang Dauis Church sa 25 heritage churches sa Bohol na lubhang napinsala ng 7.2 magnitude na lindol noong October 2013.

“On hindsight, this is what a damaging 7.2 magnitude earthquake of 15 October 2013 gifted us with: the restoration of our heritage churches so dear to every Boholano, for they are jewels on our crown. God brings the greatest good out of every deprivation or evil. Indeed, His perfect will always achieves his perfect plan. After all, our work of heritage restoration is still God’s work,” bahagi ng pahayag ni Bishop Uy.

Noong 2018 nang i-turnover ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) sa diyosesis at parokya ang simbahan matapos ang restoration.

Noong 2011 una nang idineklarang National Cultural Treasure ang simbahan at buong complex dahil sa mayamang ambag sa kasaysayan kung saan tampok nito ang pagiging neo-gothic at neo-classical architecture gayundin ang orasan at kampanaryong gawa sa corals.

Itinatag ng mga misyonerong Heswita ang Dauis Church noong 1697 habang ang kasalukuyang simbahan ay itinayo noong 1863 at natapos taong 1923.

Pinasalamatan ni Bishop Uy ang mananampalataya at mga indibidwal na naging daan upang maibalik sa dating anyo ang simbahan makaraang mapinsala ng lindol at ang patuloy na pagpapahalaga ng pamahalaan sa dambanang naghuhubog sa moralidad at espiritwalidad ng mamamayan.

Bukod sa mga opisyal ng lalawigan ng Bohol at ng National Museum of the Philippines dumalo rin sa pagtitipon si Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown kung saan pinangunahan nito canonical coronation sa imahe ng Our Lady of the Assumption na kauna-unahan sa Bohol.

Sa datos ng National Commission for Culture and the Arts may 130 simbahan sa bansa ang kinilalang National Cultural Treasures, Important Cultural Properties, at National Historical Landmarks kung saan mahigit 20 rito ay matatagpuan sa Bohol.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 19,539 total views

 19,539 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 69,553 total views

 69,553 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 65,422 total views

 65,422 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 101,375 total views

 101,375 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 109,004 total views

 109,004 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top