Sumuporta sa Grand Marian exhibit, pinasasalamatan ng Radio Veritas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,551 total views

Nagpasalamat ang pamunuan ng Radio Veritas 846 sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa ginanap na Grand Marian Exhibit ng himpilan.

Ayon kay Religious Department head Renee Jose nawa’y nakatulong sa paghubog ng pananampalataya sa Panginoon ang pagtatanghal sa iba’t ibang imahe ng Mahal na Ina bilang pakikiisa ng himpilan sa pagidiriwang ng Kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria nitong September 8.

“I would like to thank sa lahat ng mga Kapanalig na bumisita sa ating Marian Exhibit, nag offer ng prayers at mass intentions, sana itong initiative ng Radio Veritas makatulong sa pagpapalawak ng debosyon sa Mahal na Birhen na gagabay sa atin kay Jesus.” pahayag ni Jose sa panayam ng Radio Veritas.

Ikinagalak nito ang pagdalaw ng mga deboto mula sa iba’t ibang panig ng kalakhang Maynila at karatig lalawigan lalo’t isa sa layunin ng exhibit ang pagsasabuhay sa tungkulin ng Radio Veritas na maging katuwang ng simbahan sa gawaing ebanghelisasyon.

Nasa 100 imahe ng Mahal na Birhen ang itinampok sa Marian Exhibit sa Fisher Mall Quezon City na binuksan noong August 30 hanggang September 8 kabilang na rito ang canonically crowned images.

Tiniyak ni Jose sa mamamayan ang pagpapatuloy sa gawaing pagmimisyon ng himpilan tulad ng Marian Exhibit kung saan asahan na rin ang pagbubukas nito sa Oktubre bilang pagpupugay sa Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo at pagdiriwang ng bansa sa Rosary Month sa Fisher Mall sa Malabon City.

“Continues yung ating misyon bilang Radio ng Simbahan, abangan nila ang isa pang Marian Exhibit sa October to celebrate the Rosary Month.” ani Jose.

Bukod sa mga Marian Exhibit patuloy din ang mga Banal na Misa sa himpilan tuwing alas sais ng umaga, alas dose ng tanghali, alas sais ng gabi at alas dose ng hatinggabi kung saan maaring magpadala ng mga prayer intentions makipag-ugnayan lamang sa 8925-7931 to 39 local 129, 131, at 137 o mag text sa 0917 631 4589.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 26,746 total views

 26,746 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 76,760 total views

 76,760 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 72,629 total views

 72,629 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 108,306 total views

 108,306 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 115,384 total views

 115,384 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top