Samahan ng mga guro, nangangamba sa pagbaba ng literacy rate rate ng mga mag-aaral

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,666 total views

Paigtingin ang pakikinig sa hinaing ng sektor ng edukasyon upang tugunan ang illiteracy o hindi pagkatuto ng mga kabataan na makapagbasa at magsulat.

Ito ang panawagan ni Vladimer Quetua ng Alliance of Concerned Teachers kasabay ng paggunita ng ‘International Literacy Day’.

Ayon kay Quetua sa pamamagitan ng tugon ng pamahalaan sa kakulangan ng mga guro ay madaragdagan din ang bilang ng mga mag-aaral at matututukan ang pagtuturo sa mga bata.

“Sa katunayan pang-79 tayo sa buong Asya doon sa functional illiteracy kaya nakakalungkot dahil sa ganitong araw sana na pagkilala, hindi naman simpleng pagkilala kungdi pagsuporta sana ng gobyerno doon sa ganoong datos o ganoong kalagayan subalit sa nakikita natin mukhang hindi sosolusyunan nung budget sa darating na panahon yun ganitong kalagayan ng ating bansa,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Quetua.

Nababahala rin opisyal ng ACT na maaring madagdagan pa ang mga kabataan hindi marunong magbasa at magsulat lalo’t mas mababa ang bilang nagpatalang mag-aral ngayong taon na batay sa datos ng Department of Education ay 25-milyong na kumpara sa bilang ng nakalipas na S.Y 2022-2023 na may 28-milyon.

Tiniyak naman ni Quetua ang patuloy na pananawagan sa pamahalaan na isusulong ang kapakanan ng mga mag-aaral, at iba pang bumubuo sa education sektor upang makamit ang katarungan panlipunan.

Sa datos, umaabot sa mahigit tatlong milyon sa populasyon ng mga 18-taong gulang pataas ang hindi marunong magbasa at magsulat.

Habang ayon sa datos ng World Bank, apat sa kada sampung batang mag-aaraal na nasa edad 10- taong gulang pababa ang hirap o hindi makaintindi maging ng payak na pangungusap na sanhi ng nagdaang pandemya.

Una na ring nananawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education sa pamahalaan na tugunan ang suliranin ng learning poverty na nararanasan higit na ng mga kabataang mag-aaral.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 25,687 total views

 25,687 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 75,701 total views

 75,701 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 71,570 total views

 71,570 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 107,288 total views

 107,288 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 114,437 total views

 114,437 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top