Pakikilakbay sa Korean Personal Parish, tiniyak ng opisyal ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,117 total views

Tiniyak ni Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara ang pagsasabuhay sa synodality o pakikilakbay sa kawan ng Panginoon.

Ito ang mensahe ng obispo sa pagdiriwang ng Banal na Misa sa St. Kim Dae Gun Korean Catholic Church sa Taguig City nitong September 17 bilang bahagi sa paghahanda ng kapistahan ng patron.

Ayon kay Bishop Vergara na kasalukuyang Vice President ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippine, mahalagang gabayan ang bawat sektor ng lipunan bagamat magkakaiba ang lahi at tradisyong kinagisnan.

“Dito mahalaga ang synodality, yung makinig ka rin sa pangangailangan ng ibat ibang sektor; mas appreciative sila na mayroon talagang paring Koreano.” pahayag ni Bishop Vergara sa Radio Veritas.

Ayon kay Bishop Vergara may ugnayan ang Diocese of Pasig sa Diocese of Jeonju sa Korea kung saan nagmula si Fr. Hyun suk Song ang kasalukuyang kura paroko sa Korean Personal Parish.

Ikinagalak ni Bishop Vergara ang ipinakikitang suporta ng Korean community sa diyosesis lalo na sa mga gawaing simbahan.

Batid ni Bishop Vergara ang hamon lalo na sa lengwahe subalit naglaan ito ng panahon upang aralin ang Korean language na kanyang ginamit sa banal na pagdiriwang upang higit na maunawaan ng Korean catholics na dumalo sa misa.

Sa isang mensahe ni Fr. Song pinasalamatan nito sa Bishop Vergara na buong pusong sumuporta sa kanilang parokya lalo’t bihira itong nadadalaw ng obispo ng Jeonju.

“Nagpapasalamat kami kay Bishop Mylo na naggugol ng oras para pag-aralan ang Korean mass, dahil dito ramdam namin ang pagmamahal ninyo para sa Korean Catholic Community dito sa Pilipinas, sa pagdalawa ninyo nararamdaman namin ang pagmamalasakit ni Hesus.” pahayag ni Fr. Song.

Ipagdiriwang ng parokya ang kapistahan ni St. Kim Dae Gun sa September 20.

Si St. Andrew Kim Dae Gun ay bininyagan sa kristiyanong pananampalataya noong 1836 sa edad na 15 taong gulang, pumasok sa seminaryo sa Portugues colony sa Macau, nanirahan sa Lolomboy Bocaue Bulacan kung saan tinapos ang teolohiya at 1845 nang maordinahang kauna-unahang paring Koreano.

September 16, 1846 nang pugutan ng ulo ang santo dahil sa paninindigan sa kanyang pananampalataya at ganap na naging santo noong 1984 kasama ang mahigit 100 Koreano martir sa canonization rite na pinangunahan ni noo’y santo papa St. John Paul II.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 13,834 total views

 13,834 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 63,848 total views

 63,848 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 59,717 total views

 59,717 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 95,899 total views

 95,899 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 104,017 total views

 104,017 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top