Pagkilala sa buong kawan, mga parokya bibigyang tuon ng bagong obispo ng Calapan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,841 total reads

Pinasalamatan ni Calapan Bishop Moises Cuevas ang nasasakupang mananampalataya ng Oriental Mindoro sa mainit na pagtanggap bilang ikaapat na obispo bikaryato.

Sa kanyang unang liham pastoral, tiniyak ni Bishop Cuevas ang pakikinig sa kawan gayundin ang pagkilala sa mga naunang misyonerong nagtaguyod ng kristiyanismo sa lugar.

“Tinitiyak ko po sa inyo na ako’y nakahandang makinig para maigalang ang inyong mayamang karanasan sa pagiging Simbahan – salamat sa mga misyonero at misyonera, at sa mga naunang Obispo na nagtanim at nagdilig ng binhi ng pananampalataya para lumaganap, lumago at mamung.” bahagi ng mensahe ni Bishop Cuevas.

Hiling ng obispo sa bikaryato ang panahon upang aralin ang kabuuan ng komunidad ng Calapan para sa mas maayos at epektibong pagpapatupad ng mga alintuntunin at programang kapakipakinabang sa mananampalataya.

Inihayag din ni Bishop Cuevas ang pagsasagawa ng pastoral visit sa mga parokya, quasi-parishes, chaplaincies, at mission areas upang malaman ang kalagayan ng sambayanan.

Kaya’t ipinapakiusap ng obispo sa mga namamahala sa mga parokya ang paghahanda sa mga manggagawa ng parokya, kasama ang pamunuan ng Parish Pastoral Council at Parish Finance Council; mga programang pastoral ng parokya; kalagayan ng parochial schools; ang canonical books; ulat ng pananalapi, lupa at iba pang pag-aari ng simbahan gayundin ang maikling kasaysayan ng parokya.

Humingi rin ng palugit si Bishop Cuevas na ipagpaliban sa Nobyembre 2024 ang nakatakdang general reshuffling ng mga pari ng bikaryato na nakatakda sa Hulyo 2024.

Kinilala rin ni Bishop Cuevas ang programang ‘Hapag ng Pamilyang Mindoreño’ (HPM) ng bikaryato na maging basehan sa higit na pagmimisyon sa pamayanang kristiyano ng Oriental Mindoro alinsunod na rin sa panawagan ng Santo Papa Francisco na Synodal Church.

“Nawa ang HPM ay hindi manatiling isang programa lamang, kundi maging istilo ng buhay ng kaparian, ng mga madre, at mga laiko.” ani Bishop Cuevas.

Bukod sa unang pastoral letter naglabas din ng dalawang decree ang obispo, una ang gradual incorporation ng “Diocesan Synthesis” at “12-Point Diocesan Synodal Agenda” sa ginawang synodal process ng bikaryato, at ang; pagtalaga ng mga pari sa mahahalagang tungkulin na kanyang makatutuwang sa pamumuno ng bikaryato.

September 6, nang mailuklok si Bishop Cuevas sa Apostolic Vicariate of Calapan na binubuo ng 20 parokya, isang personal parish, dalawang quasi-parish, pitong chaplainces, 10 mission areas na may 800-libong katoliko.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 28,554 total reads

 28,554 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 51,145 total reads

 51,145 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 87,645 total reads

 87,645 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 308,270 total reads

 308,270 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 341,241 total reads

 341,241 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top