Labor groups, tumanggap ng George Meany-Lane Kirkland Human Rights award

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,919 total reads

Ipinangako ng labor groups sa Pilipinas ang patuloy na pagsusulong ng mga repormang itataas ang kalidad ng pamumuhay ng mga manggagawa.

Tiniyak ito Philippine Labor Movement matapos matanggap ang George Meany–Lane Kirkland Human Rights Award.

Magsisilbing kinatawan ng P-L-M ang Federation of Free Workers (FFW), Kilusang Mayo Uno (KMU), BPO Industry Employee Network (BIEN), Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa (SENTRO), Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), Public Services Labor Independent Confederation (PSLINK) at Alliance of Concerned Teachers (ACT) upang tanggapin ang parangal sa American Federation of Labor and Congress of Industrial Organizations (AFL-CIO) headquarters sa Washington D.C.

“Nais naming iparating sa AFL-CIO na ang gantimpalang ito ay napapanahon. Dumating ito sa isang panahon kung kailan ang aming dedikasyon at tapang ay sinusubok ng mga banta at intimidasyon mula sa iba’t ibang pinagmulan, kasama na ang ilang elemento sa gobyerno. Kaya, ito ay hindi lamang isang pagdiriwang ng aming nakaraang mga pagsisikap kundi isang pinagmumulan ng inspirasyon upang baguhin ang aming pangako para sa mga manggagawa at kanilang layunin,” pahayag sa Radio Veritas ni Atty. Sonny Matula, national chairman ng NAGKAISA Labor Coalition at Pangulo ng FFW.

Pagkatapos tanggapin ang parangal ay magkakaroon ng pagkakataon ang mga labor group na makipag-pulong kay United States National Security Advisor Jacob Jeremiah Sullivan upang iparating ang mababang pasahod sa Pilipinas, suliranin sa reg-tagging, extra judicial killings, kontrakwalisasyon at hindi pantay na benepisyo na nararanasan ng mga manggagawang Pilipino.

Ang George Meany–Lane Kirkland Human Rights Award na iginagawad ng AFL-CIO sa mga indibidwal o grupong may kaugnayan sa paggawa dahil sa kanilang katangi-tangin pagsusulong sa pagpapabuti ng estado ng karapatang pang-tao at pamumuhay ng mga manggagawa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 56,928 total reads

 56,928 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 143,424 total reads

 143,424 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 186,461 total reads

 186,461 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 236,220 total reads

 236,220 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 394,708 total reads

 394,708 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top