Simbahan, nakiisa sa pagtutol sa traditional jeepneys franchise consolidation

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,642 total views

Pinaigting ng simbahang katolika ang pakikiisa sa mga jeepney drivers at operators upang ipinawagan ang tuluyang pagtigil ng “franchise consolidation” ng traditional jeepneys na sa December 31, 2023 ang deadline.

Pinangunahan ni running Priest Fr.Robert Reyes at Fr. Noel Gatchalian, chairman ng Church People Workers Solidarity-National Capital Region ang panawagan sa University of the Philippines, Diliman,QC

Sa kanyang talumpati, inihalintulad ni Father Reyes ang jeepney sector sa mga dahon na bagamat maliliit ay mahalagang sektor na bumubuhay sa ekonomiya at kabuhayan ng mga taong araw-araw gumagamit ng traditional jeepneys sa pagpasok sa trabaho.

“Hindi ko alam kung hanggang saan makakarating ang dahon na ito, bibigyan ko po kayo ng dahon, ang ibig sabihin ng dahon ay buhay, hindi modernisasyon, kapag nagpatuloy po tayo matutuyo ang dahon, matutuyo ang jeepney, matutuyo ang mga tsuper, matutuyo ang mga operators hanggang sa tuluyan na kayong maging tuyong dahon,” ayon sa mensahe ni Father Reyes.

Hinimok naman ni Fr.Gatchalian ang mamamayan na palawakin ang kaalaman sa usapin dahil nakapaloob sa franchise consolidation ang total traditional jeepney phaseout.

Sa isinagawang banal na misa kasama ang mga driver at operator, ipinagdarasal ni Fr.Reyes at Gatchalian ang mabuting kalagayan ng transport sector.

“Tayo po ay nagtitipon para pagtibayin ang ating pagkakaisa, at sa ating pagkakaisa tayo ay nagkakaroon ng lakas at siguro ang kalooban ng Diyos Ama, hanggat hindi tayo nagkakaisa, walang mangyayari, ang pagkakaisa ng maliliit at mahihina ay para tayo magkaroon ng kalayaan, kalayaang mabuhay at napapansin natin na ang programa ng phase out ng jeepney ay isang kawalan,” ayon naman sa mensahe ni Father Gatchalian.

Batay sa datos ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide o PISTON, kagyat na mawawalan ng kabuhayan ang 200-libong jeepney drivers at operators pagsapit ng January 01, 2024 kung susundin ang deadline ng franchise consolidation na magtatapos ng December 31, 2023.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 95,249 total views

 95,249 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 123,254 total views

 123,254 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 141,054 total views

 141,054 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 137,393 total views

 137,393 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 242,693 total views

 242,693 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Simbakuran, inilunsad ng Diocese of Cubao

 3,655 total views

 3,655 total views Inilunsad ng Diocese of Cubao ang “Simbakuran” upang tugunan ang lumalalang kahirapan at laganap na kahirapan. Layon ng Simbakuran na pag-isahin ang mga

Read More »

I-alay ang buhay sa mahal na birheng Maria

 7,874 total views

 7,874 total views I-alay ang pananampalataya at buhay sa Panginoon at sa Mahal na Birheng Maria. Ito ang mensahe at pagninilay sa Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas

Read More »
Scroll to Top