Mananampalataya, hinimok ni Cardinal Advincula na talikdan ang oagiging materyalismo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 31,157 total views

Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mamamayan na iwaksi ang materyalismo at pagiging makamundo.

Sa pagninilay ng arsobispo sa pagdiriwang ng simbahan sa World Day of Prayer for Peace kasabay ng Dakilang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos binigyang diin nitong ang pagkaalipin ng tao sa sarili ay kadalasang nagdudulot ng tunggalian at pagkakawatak-watak ng pamayanan.

Binigyang diin ng cardinal na kaakibat ng pagsilang ni Hesus na nagdala ng kapayapaan sa daigdig ay nagpapalaya sa bawat isa mula sa anumang pagkaalipin.

“Let us not be slaves to anger, hatred, indifference, envy, jealousy, wars, selfishness, greed, and the promotion of one’s interest. These should not have any place in our lives. We should not allow these things to enslave us and rob us of peace. We are no longer slaves but children of God,” ayon kay Cardinal Advincula.

Hiling ng cardinal ang panalangin para sa natatanging intensyong magkaroon ng kapayapaan sa mga lugar na may digmaan tulad ng Ukraine, Russia, Israel, Palestine at iba pang mga bansa na umiiral ang civil war.

Sa 57th World Day of Peace itinuon ni Pope Francis ang tema sa ‘Artificial Intelligence and Peace’ kung saan tinalakay ang mabilis na pag-unlad ng agham at teknolohiya gayundin ang kaakibat na panganib nito sa pamayanan.

Batid ng santo papa na bagamat may magagandang hatid ang AI sa lipunan ikinalungkot naman nito ang mapanamantalang paggamit ng iilan para isulong ang personal na interes tulad ng paglikha ng mga sandatang makasisira ng buhay at pamayanan.

Samantala iginiit naman ni Cardinal Advincula na upang maging mabunga ang bagong taong 2024 hingin ang paggabay sa Mahal na Ina tungo sa kanyang anak na si Hesus ang prinsepe ng kapayapaan.
“To be happy this new year we have to live in peace which only the Lord can give,” giit ni Cardinal Advincula.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 47,643 total views

 47,643 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 43,512 total views

 43,512 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 79,714 total views

 79,714 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 88,416 total views

 88,416 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 113,694 total views

 113,694 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top