TV news personality Jiggy Manicad, tagapagpahayag na ng mabuting balita ng Panginoon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 64,668 total reads

Mula sa pagiging tagapagbalita ay naging tagapagpahayag ng Mabuting Balita ng Panginoon ang ngayo’y kilalang deboto ng Poong Hesus Nazareno-ang TV News personality na si Jiggy Manicad.

Ayon kay Manicad sa panayam ng programang Barangay Simbayanan ng Radyo Veritas, nagsimula ang kaniyang debosyon taong 2006 matapos ang hindi makakalimutang news coverage na bagama’t naging matagumpay ay naglagay din sa panganib ng kaniyang buhay at naging hamon sa kakayahan bilang isang mamamahayag.

Sinabi pa niya na bilang mamamahayag ay makailang na rin siyang nakaligtas sa tiyak na kapahamakan kaya’t minarapat niyang ipagpasalamat ang biyaya ng buhay sa Poong Nazareno.

Ayon kay Manicad, taong 2003 nang bumagsak ang kaniyang sinasakyang sa helicopter, 2008 nang mapalibutan ng mga Abu Sayyaf sa Mindanao at 2013 sa coverage ng noo’y Super Bagyong Yolanda na kanyang napagtagumpayang makaligtas.

Nakiisa rin ang Tv Reporter sa Traslacion ng Poong Hesus Nazareno at apat na ulit na nakasubok sa paghawak ng lubid, sabay ang pag-usal ng panalangin.
Isang pagkakataon din ayon kay Manicad na malagay sa panganib ang kanyang buhay nang muntikang mahulog sa drainage sa kasagsagan ng prusisyon na himalang nakaligtas sa katauhan ng kanilang news producer.

Bukod sa pagiging deboto ng Nazareno, sa kasalukuyan si Manicad ay kasapi na rin ng Ministry of the Word ng Minor Basilica and National Shrine of the Black Nazarene o Quiapo Church.

Bagama’t nagretiro na bilang mamamahayag, ngayong Enero ay magsisimula muli ng kaniyang trabaho si Manicad sa bagong network na kaniyang iniaalay sa Poong Nazareno at hindi para sa sarili.

“Pero sa sabi ko nga yung work na gagawin ko, trophy rin siya. Dati kasi nung bata pa ako, kelangan gagandahan ko ang istorya para sa sarili ko. ‘Yung kailangan, meron akong maiuwing trophy, parang karangalan para sa network. Ngayon totally hindi e. Sa akin ang dapat na karangalan, maibibigay ko kay Lord. Kung baga ang benchmark ko, kung excellent yung work ko, hindi siya nakakahiyang i-offer sa Panginoon,” ayon pa kay Manicad.

Giit pa ni Manicad, “It’s a blessing na hindi ako ugod-ugod na tapos nakilala ko si Lord. It’s a blessing na mas bata ako at puwede ko pa na mapagsilbihan Siya, na mai-offer ko ‘yung pwede ko pang gawin sa Kaniya para ma-glorify ko Siya. ‘Yun na ang goal ko e.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagnanakaw sa kabataan

 3,814 total reads

 3,814 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 46,015 total reads

 46,015 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 152,891 total reads

 152,891 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 197,558 total reads

 197,558 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 219,642 total reads

 219,642 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top