Oplan Tabang, inilunsad ng Diocese of Tagum

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 35,754 total views

Inilunsad ng Diocese of Tagum ang Oplan Tabang bilang panawagan para sa mga biktima ng pagbaha at pagguho ng lupa sa Davao del Norte at Davao de Oro.

Patuloy na tumatanggap ng suporta at donasyon ang Social Action Ministry ng diyosesis upang malikom at maipamahagi sa mga lubhang naapektuhan ng sama ng panahon.

Una nang nabanggit ni Tagum SAC director Fr. Jojit Besinga sa panayam sa Barangay Simbayanan na nagsasagawa na rin ng second collection sa mga parokyang saklaw ng diyosesis upang ilaan sa relief operations.

Ibinahagi rin ni Fr. Besinga na mayroon nang food shortage sa mga lubhang apektadong lugar lalo na sa mga katutubong pamayanan dahil sa mga napinsala at saradong kalsada.

“Merong mga food shortage particularly ‘yung mga lugar na very isolated talaga like indigenous people communities. Hindi kasi makadaan doon sa areas sa mga bundok, at hindi na makabili ng pagkain. Wala na ring kuryente at nasira din ‘yung water reservoir.” pagbabahagi ni Fr. Besinga.

Pangunahing pangangailangan para sa relief operations ang pagkain tulad ng bigas, canned goods, noodles, kape, asukal, at maiinom na tubig.

Sa mga nais magbahagi ng in-kind donations, maaari itong ipadala sa Social Action Center sa Sagrado Corazon de Jesus Nazareno Parish sa Apokon, Tagum City.

Tumatanggap din ng cash donations ang SAC Tagum sa pamamagitan ng BPI-Special Collection account na Diocese of Tagum na may account number na 2073-3273-02, o kaya nama’y sa Gcash account na Jojit Besinga sa numerong 0977-823-2311.

Para naman sa karagdagang tanong at impormasyon, maaaring personal na magtungo sa tanggapan ng Sagrada Corazon de Jesus Parish o makipag-ugnayan kay Fr. Besinga.

Sa huling ulat ng Caritas Philippines, umabot na sa halos 218-libong pamilya o 975-libong indibidwal ang apektado ng sama ng panahon sa MIndanao, lalo na sa Davao at Caraga Region.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 26,593 total views

 26,593 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 76,607 total views

 76,607 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 72,476 total views

 72,476 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 108,163 total views

 108,163 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 115,250 total views

 115,250 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top