Bagong obispo ng Diocese ng Virac, itinalaga ng Santo Papa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,465 total reads

Itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco si Fr. Luisito Occiano ng Archdiocese of Caceres bilang bagong obispo ng Diocese of Virac sa Catanduanes.

Isinapubliko ng Vatican ang anunsyo nitong February 29.

Si Bishop-elect Occiano ang hahalili sa 76 na taong na si Bishop Manolo delos Santos na nanilbihan sa Virac sa loob ng tatlong dekada mula 1994.

Ang 52-taong gulang na bishop elect ay kasalukuyang rector at parish priest ng Archdiocesan Shrine and Parish of St. Joseph sa San Jose, Camarines Sur at kasalukuyang pinamunuan ang Commission on Communication ng Caceres.

Tiwala naman si Caceres Archbishop-Emeritus Rolando Tria Tirona na magagampanan ni bishop-elect Occiano ang pagiging mabuting pastol sa kawan ng Virac dahil sa katangian nitong ipinamamalas sa arkidiyosesis.

Ipinanganak si Bishop-elect Occiano noong June 21 1971, at inordinahan bilang pari noong November 10, 1996.

Bago ang pagtatlaga, naglingkod din ang bagong obispo ng simbahan bilang parochial vicar ng Naga Metropolitan Cathedral, at kalihim ni dating Caceres Archbishop Leonardo Legaspi.

Sa kabila ng pagkakaluklok kay Bishop-elect Occiano, siyam pa mula sa 86 diyosesis sa bansa ang sede vacante.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 114,961 total reads

 114,961 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 149,232 total reads

 149,232 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 183,363 total reads

 183,363 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 239,767 total reads

 239,767 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top