Obispo, nagbabala sa publiko kaugnay sa A.I.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,577 total reads

Pinag-iingat ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mamamayan higgil sa paggamit ng makabagong teknolohiya, lalo na ang Artificial Intelligence.

Ayon kay Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr., chairman ng CBCP Episcopal Commission on Social Communication tulad ng mga modernong bagay maraming magagandang maidudulot ang paggamit ng A.I dahil pinabibilis nito ang gawain ng tao subalit maari rin itong maging banta sa lipunan kung walang pamantayan ang paggamit.

“Sa panahon natin ngayon, ang Artificial Intelligence ay hindi likas na masama subalit kapag walang pamantayan sa paggamit ito ay marami ding mga bagay na hindi maganda ang maaring maidudulot sa atin at sa lipunan,” pahayag ni Bishop Maralit sa Radio Veritas.

Sinabi ng opisyal na dapat mag-iingat ang mamamayan sa pag-aakalang laging tunay at wasto ang nilalaman ng mga impormasyong nakikita at nababasa online lalo’t hindi tiyak na mapagkakatiwalaan ang pinagkunan ng datos dahil ginagamit din ang A.I para sa pansariling kapakinabangan.

Babala ni Bishop Maralit sa mamamayan na dapat hindi umasa sa paggamit ng A.I dahil may mas kakayahang pa ring mag-isip ang tao.

“Tunay na mahalaga sa atin ang buong proseso sa paghahanap ng katotohanan at pagdedesisyon, kasama na rin ang mga ambag ng ating karanasan at ugnayan kaya hindi dapat tayo madala sa tuksong umasa na lamang sa A.I,” ani ng obispo.

Nakababahala rin ayon sa obispo ang kakayahang mamanipula ng A.I ang pagkakilanlan ng isang tao tulad ng pagkopya sa itsura at boses sa pamamagitan ng deep fake na maaring paniniwalaan ng sinumang makakapanuod online.

Bukod pa rito ang banta ng ‘job displacement’ dahil napapalitan ng A.I ang kakayahan ng tao sa paglikha o pagtatrabaho na ayon sa pag-aaral ng global financial institution Goldman Sachs maaring papalitan ng A.I ang halos 300-milyong full time jobs sa 2030.

“Paka-ingat tayo sa maaaring idulot na panganib nito sa mga ugnayang pantao na napakahalaga sa paglago at pagbubuo ng ating pagkatao kung saan ang emosyon at mga malalim na pakikipagugnayan sa kapwa ay kailangan at napakahalaga,” ayon pa kay Bishop Maralit.

Sa mensahe ng Papa Francisco sa 58th World Day of Social Communications na ipagdiwang sa May 12, binigyang diin nito na kailanman ay hindi napapalitan ng A.I ang karunungan ng tao.

Tema sa mensahe ng santo papa ngayong taon ang ‘Artificial Intelligence and the Wisdom of the Heart: Towards a Fully Human Communication.’

Batid ng simbahan ang mabubuting dulot ng pag-usbong ng teknolohiya tulad ng A.I subalit paalala nito sa mamamayan ang ibayong pag-iingat sa paggamit nito dahil maaring magdulot ito ng panganib at kapahamakan ng sinuman.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 96,741 total reads

 96,741 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 132,537 total reads

 132,537 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 166,669 total reads

 166,669 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 223,075 total reads

 223,075 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top