Apat na Filipino Bishops sa US, dadalo; Ikalimang Filipinong Obispo sa Amerika, oordinahan sa May 31

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,042 total views

Pupusan na ang paghahanda ng Diocese of Sacramento kasama ang Filipino communities sa California para sa nalalapit na ordinasyon bilang obispo ni Bishop-elect Rey Bersabal sa May 31.

Ayon kay Pontificio Collegio Filippino Rector Fr. Gregory Ramon Gaston kamakailan ay nakipagkita ito sa bagong halal na katuwang na obispo ng Sacramento kung saan sinabi nitong isang biyaya ng pananampalataya lalo na sa mga Pilipino na patuloy ang pagyabong ng misyon makalipas ang 500 taon ng kristiyanismo sa Pilipinas.

Sinabi ni Fr. Gaston na ginagampanan ni Bishop-elect Bersabal ang pagiging katuwang sa ebanghelisasyon ng simbahan nang ipadala ito sa Amerika mula sa Archdiocese of Cagayan De Oro para tulungan ang Diocese of Sacramento.

“It is a big blessing that Filipinos all over the world not only maintain their faith but also become agents of evangelization. In Sacramento, they are very much incorporated in the local parishes, contributing their Filipino traditions as well,” pahayag ni Fr. Gaston sa Radio Veritas.

Bitbit ni Fr. Gaston ang ‘zucchetto’ o ‘skull cap’ galing Roma na ibinigay kay Bishop-elect Bersabal mula kay Fr. Coke Prieto ng Archdiocese of Cagayan De Oro na kasalukuyang nag-aaral sa Roma.

Sinabi pa ng pari na dadalo sa ordinasyon ang apat na Filipinong Obispo sa Amerika na sina Salt Lake Bishop Oscar Solis, Los Angeles Auxiliary Bishop Alejandro Aclan, El Paso Auxiliary Bishop Anthony Celino, at Philadelphia Auxiliary Bishop Efren Esmilla.

Inaasahan din ang pagdalo ni Cotabato Archbishop Emeritus Cardinal Orlando Quevedo at tatlo pang cardinal kasama na si Papal Nuncio to the US Cardinal Cristophe Pierre.

Isasagawa ang episcopal ordination sa Cathedral of the Blessed Sacrament ng Diocese of Sacramento na dadaluhan din ng humigit kumulang 200 mga pari ng diyosesis kung saan 47 rito ay mga Pilipino.

Una nang pinuri ni Cagayan De Oro Archbishop Jose Cabantan ang pagtalaga ni Pope Francis kay Bishop-elect Bersabal kasabay ng pagtiyak ng mga panalangin sa bagong misyong gagampanan na maging katuwang ni Bishop Jaime Soto sa pagpapastol sa mahigit isang milyong kawan sa lugar.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 62,567 total views

 62,567 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 58,436 total views

 58,436 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 94,638 total views

 94,638 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 102,812 total views

 102,812 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 126,914 total views

 126,914 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top