Canonization ni Blessed Carlos Acutis, magdudulot ng pag-asa sa mga mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,161 total views

Ikinalugod ng grupo ng mga deboto ni Blessed Carlo Acutis sa Pilipinas ang pag-apruba ng Vatican sa kanyang canonization.

Ayon kay Friends of Blessed Carlo Acutis Philippines, Chairperson, Christoffer Denzell Aquino, SHMI, napapanahon ang pagkilala ng simbahan sa batang banal lalo’t patuloy ang pag-usbong ng makabagong teknolohiya na ginagamit ng kasalukuyang henerasyon.

Sinabi ni Aquino na makatutulong ang pagkilala kay Beato Carlo para mabuksan ang kamalayan at mahimok ang mga kabataang tularan ang kanyang gawi na ginamit ang teknolohiya at internet sa pagpapalalim ng pananampalataya lalo na sa Eukaristiya.

“This is, in my humble opinion, the right moment for his canonization since young people are searching for models to imitate. To counteract the influencers who induce people to follow a more secular lifestyle: God through the Church proposes Carlo as a model of Christian holiness in the ordinariness of life,” pahayag ni Aquino sa Radio Veritas.

Aniya ito ay isang biyaya ng simbahan mula sa Panginoon lalo’t kinakailangan ngayon ng mundo ang mga huwarang tulad ni Beato Carlo na ginagamit sa wastong pamamaraan ang makabagong teknolohiya.

Nilinaw ni Aquino na ang pagtalaga ng simbahan sa beato upang makahanay sa mga banal ay paalala sa bawat mananampalataya na ang lahat ng binyagan ay maaring maging banal ng simbahan.

Umaasa ang Friends of Blessed Carlo Acutis Philippines na ang canonization ni Beato Carlo ay magbigay pag-asa sa mananamapalataya lalo na sa mga kabataan upang gawing makabuluhan ang pamumuhay lalo na sa mundong umuusbong ang teknolohiya at internet.

“May Carlo’s canonization bring a new spark of hope, especially to young people to reexamine their lives and that they may have a more open ear and heart to listen to the voice of God who is constantly calling us towards him,” ani Aquino.

May 23, 2024 nang inanunsyo ng Vatican ang canonization ng beato makaraang aprubahan ni Pope Francis ang isang himala na iniugnay sa kanyang pamamagitan ng gumaling ang 21 taong gulang na si Valeria Valverde, ng Costa Rica dahil sa labis na pinsalang tinamo dahil sa bicyle accident noong 2022.

Hinimok ni Aquino ang mga kabataan na tingnan ang mga gawi ni Beato Carlo na pinaiigting ang pakikipag-ugnay kay Hesus sa pamamagitan ng Eukaristiya, debosyon sa Mahal na Birhen at mga banal.

Kilala si Beato Carlo na internet savvy at ginamit ang kakayahan para gumawa ng Eucharistic miracles exhibit na makikita online sa mga parokya sa buong daigdig na layong patotohanan at ipakilala si Hesus sa Banal na Eukaristiya.

Pumanaw ang beato noong October 12, 2006 sa edad na 15-taong gulang dahil sa leukemia kung saan habang nakaratay ay inialay nito kay Pope Benedict XVI at sa buong simbahang katolika ang kanyang mga paghihirap.

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng FBCAP sa Diocese of Malolos ang relic ni Beato Carlo na ex corpore et ex capilis ay kaloob ng Diocese of Assisi at ng Associazione Amici di Carlo Acutis para sa pagpapalago ng debosyon ng batang banal dito sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 20,617 total views

 20,617 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 48,622 total views

 48,622 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 66,422 total views

 66,422 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 65,561 total views

 65,561 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 176,526 total views

 176,526 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Santo Papa, nanawagan ng pagbangon

 8,700 total views

 8,700 total views Mariing nanawagan ng pagbangon at pag-asa ang Kanyang Kabanalan Leon XIV sa mamamayan ng Angola sa kanyang isinagawang misa sa kanyang pagdalaw sa

Read More »
Scroll to Top