Pagbawi ng SMC sa pahayag na ihinto ang PAREX project, kinundena

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,031 total reads

Mariing kinokondena ng Ilog Pasiglahin at iba’t ibang grupo ang binabalak ng San Miguel Corporation (SMC) na ituloy ang Pasig River Expressway (PAREX) Project.

Iginiit ng grupo ang sinabi ni SMC president at chief executive director Ramon Ang noong Marso na “nakikinig sila sa pulso ng bayan” kaya hindi na itutuloy ang PAREX.

Mula nang inanunsyo ng kumpanya na hindi na itutuloy ang proyekto, naging panawagan naman ng publiko ang pagbawi sa mga kasanduan kabilang na sa Toll Regulatory Board (TRB), mga permit sa Department of Environment and Natural Resources, at iba pang mga ahensya.

Ngunit sa huling ulat ng TRB, wala pa ring kumpirmasyon ang SMC na tuluyan na nitong ihihinto ang PAREX project sa kabila ng naunang anunsyo.

“Ang hindi pagkansela ng PAREX ay patibay na hindi tunay na nakikinig si G. Ang at ang SMC sa pulso ng bayan at daing ng ating kalikasan,” pahayag ng Ilog Pasiglahin.

Binigyang-diin ng grupo na sa kabila ng mga pagbabago at krisis na nangyayari sa kapaligiran, dapat higit na isaalang-alang ng kumpanya ang kapakanan at kahihinatnan ng mamamayan sa mapaminsalang proyekto.

Kabilang sa mga salik na pumipigil sa proyekto ay ang magiging epekto sa heritage sites partikular na sa Intramuros, Maynila; air pollution mula sa mga sasakyan; at pagkaantala sa layuning muling buhayin at pasiglahin ang Pasig River.

“Kapag itinayo ang PAREX, kakatiting lamang na 6% ng mga Pilipinong may sariling kotse ang makikinabang dito samantalang magdudulot ito ng polusyon, pagbaha, at lalong pag-init ng kapaligiran. Ang PAREX ay hindi lamang kikitil sa buhay ng Ilog Pasig, ngunit magdadala rin ito ng panganib sa mga hayop, halaman, at daan-daang libong residente na binibigyang buhay ng ilog,” giit ng grupo.

Hinamon naman ng Ilog Pasiglahin ang SMC, gayundin ang DENR at mga lokal na pamahalaan, na tuluyan nang isantabi ang proyekto, at sa halip ay dinggin ang panawagan ng taumbayan na pangalagaan ang Ilog Pasig.

Nagkakahalaga ng ₱95-bilyon ang PAREX project na may habang higit 19-kilometro na babagtasin ang kahabaan ng Pasig River mula Maynila patungong Taguig City.

Una nang nagpahayag ng pagtutol ang Diocese of Pasig sa proyekto dahil sa pinsalang idudulot nito hindi lamang sa Ilog Pasig kun’di higit na sa mga pamayanan, kultura, at kalikasan ng buong Metro Manila.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 90,821 total reads

 90,821 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 126,956 total reads

 126,956 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 161,088 total reads

 161,088 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 217,493 total reads

 217,493 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 180,243 total reads

 180,243 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top