Nabagsakan ng century old acacia tree sa Taytay, tutulungan ng Diocese of Antipolo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,795 total views

Tiniyak ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang tulong sa may-ari ng mga sasakyang napinsala nang mabuwal ang malaking punong acacia sa harapan ng Minor Basilica and Parish of St. John the Baptist sa Taytay Rizal.
Ayon sa obispo hindi maiiwasan ang mga insidente lalo na tuwing may bagyo kaya’t humingi rin ito ng paumanhin sa mga apektadong indibidwal.
“Yet it is with collective sigh of relief that no lives suffered nor lost. We are so sorry for the owners. We assured them of help and assistance. No one wants a tragic event. Accidents happen in any place, at any time,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos.
Gayunpaman ipinagkatiwala ng obispo sa Panginoon ang lahat ng mga pangyayari lalo’t naghahanda rin ang simbahan sa mga mahalagang gawain tulad ng kapistahan ni San Juan Bautista sa June 24, ang patatalaga kay Fr. Pedrito Noel Rabonza III bilang kauna-unahang rector; at ang solem declaration ng parokya bilang minor basilica sa July 9.
Nitong May 26 nang mabuwal ang century-old acacia tree sa pananalasa ng bagyong Aghon habang nagsagawa ng banal na misa sa loob ng simbahan.
Walang nasaktan sa insidente subalit dalawang sasakyan ang lubhang napinsala.
“It is sad that the historic acacia, a silent witness to the foundation of the town of Taytay and where the parish church of Saint John the Baptist stands, will now only remain in the recollection of our past,” ani ng obispo.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) pitong katao ang nasawi sa magkakahiwalay na lalawigan dahil sa pananalasa ng bagyo, 36, 000 ang lumikas habang naitala ng Department of Agriculture ang 22 milyong pinsala sa mga pananim.
Ang bagyong Aghon ang kauna-unahang bagyo na pumasok sa bansa ngayong taon kasabay ng pananalasa ng El Niño phenomenon na nagdulot din ng pinsala sa sektro ng agrikultura.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Labanan ang climate disinformation

 22,493 total views

 22,493 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 43,768 total views

 43,768 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 216,947 total views

 216,946 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 237,497 total views

 237,496 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top