Pagiging ecclesiastical superior ni Fr. Napiere ng Tuvalu, ikinagalak ng Obispo ng Tagbilaran

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,618 total reads

Ikinatuwa ng Diocese of Tagbilaran ang pagkatalaga kay Fr. Eliseo Napiere ng Mission Society of the Philippines bilang ecclesiastical superior ng Missio Sui Iuris (independent mission) ng Funafuti sa Tuvalu na bahagi ng Pacific Island.
Tiwala si Bishop Alberto Uy na magagampanan ni Fr. Napiere ang panibagong misyon na iniatang ng simbahan na pagpapastol sa mga katoliko na minorya lamang sa lugar.
Hiling ni Bishop Uy sa mananampalataya lalo na ng mga taga Diocese of Tagbilaran na ipanalangin ang tungkuling gagampanan ng Boholanong pari.
“Being the ecclesiastical superior, who oversees the Missio sui Iuris, is no easy task. As Bishop of Tagbilaran I ask the faithful to offer prayers for Father Napiere as he starts his role as leader of the Catholic Church in the independent mission,” pahayag ni Bishop Uy sa Radio Veritas.
Itinalaga ng Vatican nitong June 3 si Fr. Napiere bilang kahaliling pastol kay Filipino Bishop Reynaldo Getalado na itinalagang coadjutor bishop ng Rarotonga sa Cook Island.
Ibinahagi ni Bishop Uy na naging contemporary nito si Fr. Napiere sa Immaculate Heart of Mary Seminary sa Tagbilaran City.
Si Fr. Napiere na tubong Maribojoc Bohol ay ipinanganak noong June 14, 1965 habang naordinahang pari January 19, 1991.
Ilan sa mga naging gawaing pagmimisyon matapos maordinahan ang pagiging parish vicar ng Blessed Sacrament, Reclamation Area sa Cebu City; naging kasapi ng General Council at Bursar General ng MSP; naging misyonero sa Taiwan kung saan nagsilbing executive secretary ng Chinese Regional Bishops’ Conference, Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People kasabay ng pamumuno sa Stella Maris Taiwan.
Sa pagkatalaga ni Fr. Napiere kasalukuyan itong naglingkod bilang kura paroko ng Saint James the Less sa Perris na sakop ng Diocese of San Bernardino sa Amerika.
Bilang ecclesiastical superior pangangasiwaan ng pari ang simbahang katolika ng Funafati, Tuvalu na isang porsyento lamang o katumbas sa 110 mananampalataya sa humigit kumulang 11-libong populasyon ng bansa.
Ang Missio sui Iuris ay isang independent mission na itinatag ng simbahang katolika sa mga lugar na hindi maaring ideklarang diocese o iba pang uri ng catholic jurisdiction.
Ito ay sa ilalim ng pangangasiwa ng Dicastery for Evangelization na kasalukuyang pinamunuan nina Pope Francis at Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 87,966 total reads

 87,966 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 124,268 total reads

 124,268 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 158,400 total reads

 158,400 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 214,805 total reads

 214,805 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top