Social action ministers, hinimok ng CBCP na ire-orient ang priorities

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,250 total reads

Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang social action ministers na ituon ang pansin sa pagbabago ng lipunan kaakibat ang mga gawaing pagtulong at pag-unlad ng pamayanan.

Ayon kay CBCP president, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, kabilang dito ang mga programa at inisyatibo para sa pulitika, ekonomiya, at kultura.

Ginawa ni Bishop David ang panawagan sa video message para sa mga kalahok ng 41st National Social Action General Assembly (NASAGA) sa St. Vincent Ferrer Seminary sa Jaro, Iloilo.

“We should reorient our social action priorities towards social change, towards the transformation of societal structures… in the light of the Gospel and social doctrine of the Church,” ayon kay Bishop David.

Binigyang-diin ng pangulo ng CBCP na ang adbokasiya ng simbahan hinggil sa human development o pag-unlad ng tao ay pinupukaw ng pag-ibig ni Kristo at hindi ng anumang ideolohiya o paniniwalang politikal.

Sinabi ni Bishop David na ang pananampalataya ay nagtutulak sa atin sa paglilingkod na makita ang kapwa bilang kapatid, lalo na ang mga nasa laylayan.

Dagdag pa ng obispo na dahil sa pananampalataya at pagmamahal, ang lahat ay nahihikayat na makilahok sa mga kongkretong pagkilos para sa katarungan.

Hinimok din ng pinuno ng kalipunan ng mga obispo ng Pilipinas ang higit na pag-unawa sa mga katuruang panlipunan ng simbahan sa gawain at layunin ng social action.

“Please soak yourselves in the social teachings of the Church, which alone can orient you to the foundation of social action—our stubborn insistence on the dignity, the innate dignity of all human beings as creatures in the image and likeness of God,” saad ni Bishop David.

Halos 300 delegado mula sa 67 diyosesis ang dumalo sa pagtitipong may temang “Social Action Network: Journeying to Empower Communities in Faith, Love, and Justice”.

Kabilang sa mga tinalakay na paksa ay ang mga pambansang usaping nakakaapekto sa mamamayan tulad ng sitwasyon sa West Philippine Sea, ang tungkulin ng Simbahan sa pulitika, at ang kasalukuyang kalagayan ng enerhiya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 17,784 total reads

 17,784 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 66,732 total reads

 66,732 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 88,934 total reads

 88,934 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 125,429 total reads

 125,429 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 345,178 total reads

 345,178 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 100,305 total reads

 100,305 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top