Kapayapaan, patuloy na ipinagdarasal ni Pope Francis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,606 total reads

Patuloy na ipinapanalangin ng Kanyang Kabanalan Francisco ang kaayusan at kapayapaan ng buong daigdig.

Sa Angelus na pinangunahan ni Pope Francis hiniling nito ang pamamatnubay ng Mahal na Birheng Maria para sa kahinahunan ng puso ng mga biktima ng karahasan sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ito rin ay kaugnay sa pagdiriwang ng kapistahan ng Our Lady of Mt. Carmel sa July 16.

“May the Mother of God, whom we will celebrate the day after tomorrow as the Blessed Virgin of Mount Carmel, give comfort and obtain peace for all the peoples who are oppressed by the horror of war,” bahagi ng mensahe ni Pope Francis.

Muling hinimok ng santo papa ang mananampalataya na ipanalangin ang mamamayan ng Ukraine, Palestine, Israel at Myanmar na patuloy humaharap sa karahasan bunsod ng digmaan dahil sa kapangyarihan.

Nawa ayon kay Pope Francis ay matamo ng mundo ang paghihilom mula sa mga sakuna, digmaan, kahirapan at kagutuman sa tulong mga panalangin ng Mahal na Birheng Maria tungo sa kay Hesus.

Batay sa kasaysayan 12th century nang manirahan ang mga ermitanyo sa Mount Carmel sa Israel kung saan nagtayo ng mga kapilyang itinalaga sa Mahal na Birheng Maria habang ika – 13 siglo nang makilala ang grupo bilang “Brothers of Our Lady of Mount Carmel.”

Taong 1726 nang kilalanin at ipagdiwang ng buong simbahang katolika ang kapistahan ng Our Lady of Mount Carmel.

Ilang mga banal din ng simbahan ang kumikilala sa Mahal na Birhen ng Bundok ng Carmelo tulad nina Santa Teresa ng Avila, si Saint John of the Cross na kumilala sa Birhen ng Carmelo na tumulong na makaligtas mula sa pagkalunod at makatakas mula sa pagkabilanggo gayundin ang paggaling ni Saint Therese of the Child Jesus mula sa karamdaman.

Bukod pa rito ang naiulat na pagpakita ng Mahal na Birhen kay Saint Simon Stock ang tagapamuno ng Carmelites kung saan ipinagkaloob ang isang scapular at hiniling na ipalaganap ang debosyon sapagkat isinasagisag nito ang proteksyon mula sa anumang kapahamakan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 75,182 total reads

 75,182 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 112,449 total reads

 112,449 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 146,578 total reads

 146,578 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 202,985 total reads

 202,985 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top