CEAP, nadismaya sa pangungutya sa pananampalatayang katoliko sa France

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,593 total views

Nagpahayag ng simpatya at pakikiisa ang Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) sa French’ Bishops Conference at mga Katoliko sa France sa hindi naangkop na pagsasalarawan ng Huling Hapunan sa pagsisimula ng Paris Olympics.

Sa isinapublikong ni CEAP President Rev. Fr. Albert Delvo, ibinahagi ng organisasyon ang pagkadismaya sa mistulang pangungutya sa pananampalatayang Kristiyano na tahasang nagsantabi sa mayamang kultura at paniniwala ng mga Katoliko hindi lamang sa France kundi sa buong mundo na nakatutok sa pandaigdigang paligsahan.

“We are in solidarity with the French Bishops and empathize deeply with the people of France, who have a rich history of Catholicism. The Holy See has also expressed sadness, deploring the offense to Christians in some scenes of the Olympic opening ceremony. In our view, the performance dims the beauty and value of their cultural and religious heritage.” Bahagi ng pahayag ng CEAP.

Ayon sa organisasyon, ang Olympics ay isa sanang pambihirang entablado at pagkakataon upang higit na maisulong ang pagkakaisa at pagkakapatiran sa buong daigdig ngunit nauwi sa pagkadismaya ng mga Katoliko dahil sa hindi naangkop na pagsasalarawan ng Huling Hapunan.

Iginiit ng CEAP na mahalaga ang pagkakaroon ng makabuluhan at mapagpakumbabang pakikipagdayalogo upang matugunan ang kontrobersiya at muling bigyang halaga ang katotohanan, kapayapaan at pagkakaisa na isinusulong ng pananampalatayang Kristiyano.

“The Olympic stage should unite us, celebrating the human spirit and fostering global camaraderie. However, the apparent mockery of the Last Supper has contradicted these ideals. While the opening ceremony aimed to inspire, a segment of the production has caused deep offense. The Catholic community then cannot stay silent when core religious beliefs are undermined. We must, therefore, engage in respectful dialogue and meaningful conversations in addressing the issue, upholding the values of truth, charity, and unity that the Church embodies, and celebrating the Olympic spirit and ideals.” Dagdag pa ng CEAP.

Matatandaang una ng kinundena ng French’ Bishops Conference at ilan pang mga lider ng Simbahang Katolika sa mundo ang ginawang pagtatanghal sa pagsisimula ng 2024 Olympics sa Paris noong ika-26 ng Hulyo, 2024 kung saan itinampok ang mga drag queen bilang apostol habang isang DJ naman ang gumanap na Hesus sa pagsasalarawan ng Huling Hapunan o Last Supper.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 44,369 total views

 44,369 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 72,374 total views

 72,374 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 90,174 total views

 90,174 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 88,275 total views

 88,275 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 197,390 total views

 197,390 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pag-iral ng El Niño, idineklara ng PAG-ASA

 2,308 total views

 2,308 total views Opisyal ng idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pag-iral ng El Niño sa bansa. Ayon kay PAGASA Weather

Read More »
Scroll to Top