Dating Pangulong Duterte, Senator Dela Rosa, dapat maiharap sa Quadcom probe

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,313 total reads

Hindi maisasakatuparan ang tunay na layunin ng imbestigasyon ng joint panel ng Mababang Kapulungan na tumatalakay sa ilegal drugs at extra judicial killings hanggat hindi maihaharap ang mga pangunahing may kinalaman sa war on drugs na naganap sa nakalipas na administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Fr. Flavie Villanueva, SVD -ng Program Paghilom-isang grupo na nagbibigay ng marangal at holistikong pangangalaga para sa mga biktima ng EJK at kanilang mga pamilya, hindi matutukoy ang layunin

“Kung ang QuadComnay tapat sa kanilang layuinin na hukayin at ibunyag ang totoo, ang susi ng katotohanan ay nasa bibig ni Bato, mga Heneral at Colonel. Sila ang magbibigay linaw sa modus operandi ng patayan, quota, pagkulong sa walang sala at perang kapalit sa mga inutusang pumatay na pulis at sibilyan.,” ayon Fr. Villanueva.

Ngayong araw, sinimulan na rin ng Mababang Kapulungan ang joint committee hearing na binubuo ng komite ng dangerous drugs, human rights, public order and safety at public accounts o ang QuadCom.

Sa datos ng Philippine National Police (PNP) simula 2016 may higit sa anim na libo ang napaslang sa drug war operation ng pamahalaan, bagama’t sinasabi naman sa tala ng mga human rights group na ang bilang ay hindi bababa sa 30-libong biktima na iniugnay sa ilegal na kalakalan ng droga.

“Hanggang hindi napapaharap ang tagapag-guhit o Architect (Duterte) at tagapag-sagawa o engineer na si Bato sa imbestigasyon, hindi lubusan malalaman ng committee at ng bayan ang tunay na nangyari sa war-on-drugs. Kailangan i-subpoena sila para dumalo sa hearing. Pangalawa, maraming Heneral at Colonel ang maaring magpatotoo na sila ay inutusan ni Duterte at Bato na isagawa ang patayan, na may kasamang pera na gantimpala,” ayon kay Fr. Villanueva.

“Ang mga ulo na si Duterte at Bato ang may lagda sa patayan gaya ng ginawa sa Davao,” giit pa ng pari.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 59,638 total reads

 59,638 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 97,762 total reads

 97,762 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 131,890 total reads

 131,890 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 188,296 total reads

 188,296 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top