Pagkakapatiran, panawagan ni Pope Francis sa Indonesians

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,050 total views

Hinimok ng Kanyang Kabanalan Francisco ang mamamayan ng Indonesia na patuloy itaguyod ang pagkakapatiran sa kabila ng pagkakaiba-iba ng mamamayan.

Tinuran ng santo papa ang kristiyanong arkitekto na nagdisenyo sa Istiqlal Mosque na tanda ng pagiging lugar ng pag-uusap ang mga bahay dalanginan.

Binigyang diin ni Pope Francis ang pagiging ‘diverse’ng Indonesia na bagamat minorya lamang ang mga katoliko ay patuloy na naisasabuhay ang pagkakapatiran ng mamamayan.

“This testifies to the fact that throughout the history of this nation and in the very fabric of its culture, the Mosque, like other places of worship, are spaces of dialogue, mutual respect and harmonious coexistence between religions and different spiritual sensibilities. This is a great gift that you are called to cultivate every day, so that religious experiences may be reference points for a fraternal and peaceful society and never reasons for close-mindedness or confrontation,” pahayag ni Pope Francis sa pagbisita sa Istiqlal Mosque.

Tinukoy din ng santo papa ang ‘tunnel of friendship’ na nagkokonekta sa pinakamalaking mosque sa Asya at sa Cathedral of Our Lady of the Assumption sa Jakarta na sagisag ng pagkakaisa ng mamamayan bagamat magkakaiba ng paniniwala.
Hamon ni Pope Francis sa Indonesia na paigtingin ang pakikipagkapwa at magkaisang isulong ang pag-unlad.

Apela din nito sa mga humigit kumulang 100, 000 dumalo sa papal mass na magtulungang ipalaganap ang diwa ng pag-ibig upang makamit ang tunay na kapayapaan sa sanlibutan.

“I encourage you to sow seeds of love, confidently tread the path of dialogue, continue to show your goodness and kindness…be builders of unity and peace,” saad ng santo papa.

Bukod kay Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle na kasalukuyang Pro Prefect ng Dicastery for Evangelization dumalo rin sa pagtitipon sina Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, CBCP Vice President, Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, at, Sorsogon Bishop Jose Allan Dialogo.

Kasalukuyang isinasagawa ni Pope Francis ang 45th Apostolic Visit sa Asia Ocenia ang pinakamahabang apostolic journey sa loob ng isang dekadang pagpapastol ng santo papa sa mahigit isang bilyong katoliko sa mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 10,727 total views

 10,727 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 38,732 total views

 38,732 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 56,532 total views

 56,532 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 56,082 total views

 56,082 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 167,886 total views

 167,886 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Santo Papa, nanawagan ng pagbangon

 7,310 total views

 7,310 total views Mariing nanawagan ng pagbangon at pag-asa ang Kanyang Kabanalan Leon XIV sa mamamayan ng Angola sa kanyang isinagawang misa sa kanyang pagdalaw sa

Read More »
Scroll to Top