Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

World Maritime day at National Seafarers Sunday,ipinagdiwang ng PCG

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,949 total views

Inilunsad ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang linggong paggunita sa World Maritime Day sa September 27 at National Seafarers Sunday sa September 29.

Sinimulan ng PCG ang paggunita sa 25th National Maritime Week celebration noong ika-20 ng Setyembre na magtatapos sa ika-27 ng nasabing buwan.

Kinilala ng P-C-G ang malaking kontribusyon ng Filipino Mariners sa global shipping industry at commitment ng Pilipinas para sa maritime excellence.

Bahagi ng paggunita ang “Maritime safety conference” at pagtalakay sa maritime-environmental conservations, nationwide cleanup drive sa mga baybayin sa bansa at capability demonstrations.

“This conference is an integral part of the larger National Maritime Week, which celebrates the invaluable contributions of Filipino mariners to the global shipping industry and reinforces the country’s commitment to maritime excellence”, ayon sa mensahe ng PCG.

Ipinakita din ng P-C-G ang kanilang kayayahan sa pagdepensa sa mga teritoryo ng bansa.

“Highlights of the 25th National Maritime Week celebration, from 20 to 27 September 2024, include the Coast Guard’s capability demonstrations, PCG personnel performance showcases, a webinar on marine environmental protection, a forum on contemporary maritime issues such as safety, security, and environmental protection, nationwide simultaneous coastal clean-up drives, and the celebration of National Seafarers’ Day on 29 September 2024,” bahagi pa ng mensahe ng PCG.

Ngayong 2024, tema ng pagdiriwang sa Seafarer Sunday at Maritime day ang “Marinong Filipino: Ligtas na Paglalayag”.

Unang ipinarating ni Stella Maris Philippines CBCP-Bishop Promoter Antipolo Bishop Ruperto Santos ang pagbati, pagkilala at pagpapahalaga sa mga Filipino Seafarers na nagpapatuloy sa kanilang trabaho upang masuportahan ang kanilang pamilya o mahal sa buhay na naiiwan sa Pilipinas tuwing naglalayag.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Andaming sumasawsaw

 50,753 total views

 50,753 total views Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga naiwang pamilya ng dalawang student-athletes ng Ateneo na nalunod at namatay habang nasa isang team-building activity (na

Read More »

SINGIL SA KURYENTE

 96,476 total views

 96,476 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 98,687 total views

 98,686 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Malaya pero bihag pa rin

 170,225 total views

 170,224 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 179,007 total views

 179,006 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Manggagawa, hindi pa ganap na malaya

 3,436 total views

 3,436 total views Iginiit ng Ecumenical Institute for Labor Education and Research o EILER na nananatiling mailap para sa milyun-milyong manggagawang Pilipino ang tunay na kalayaan

Read More »
Scroll to Top