Obispo ng Batanes, nanawagan ng tulong para sa mga biktima ng Super Typhoon Julian

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,417 total views

Umapela ng pagtutulungan si Batanes Bishop Danilo Ulep para sa mga lubhang naapektuhan ng Bagyong Julian sa lalawigan.

Ibinahagi ng obispo na lubhang napinsala ng malakas na hangin at pag-ulan ang malaking bahagi ng Batanes makaraang isailalim sa Signal Number 4 nitong September 30 kung saan naitala ng PAGASA ang pagbugso ng hanging aabot sa 215-kilometro kada oras.

Tiniyak ni Bishop Ulep sa nasasakupang mamamayan ang pagkakaisa upang mapagtibay ang mga hakbang tungo sa pagbangon mula sa kalamidad.

“It is during this time of crisis that I exhort each one of you in order for us to join hands together and prove that in the spirit of Synodality, we journey together in rebuilding opur shattered lives especially during this moments,” bahagi ng pahayag ni Bishop Ulep.

Ibinahagi ng obispo na maging ang mga simbahan sa lalawigan ay napinsala rin ng bagyo gayundin ang Clergy House, residensya ng obispo, at ang St. Dominic College.

Dalangin ni Bishop Ulep ang kaligtasan ng bawat isa sa kabila ng matinding hamong kakaharapin lalo na ang rebuilding efforts sa mga nawalan ng tahanan at nasirang gusali.

“Let us share our time, talent and treasure to anyone who is badly in need of help. Let us all put into action our famous and rich tradition/practice,” ani Bishop Ulep.

Sa mga nais tumulong sa prelatura maaring magdeposito sa Landbank Basco Branch Account Name: Prelature of Batanes, account number 1081-0502-08, sa Gcash Account Danilo Ulep 0917-578-0198, at Edilbert Concordia 0949-465-3918.

Paalala ng obispo na ipadala ang proof of donation sa [email protected] para sa proper acknowledgement ng inyong mga tulong at maiwasan din ang mga mapanamantalang indibidwal.

Patuloy humiling ng panalangin si Bishop Ulep para sa katatagan at kahinahunan ng mga biktima ng Supertyphoon Julian na nanalasa sa Northern Luzon lalo na sa Batanes.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 444 total views

 444 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 28,449 total views

 28,449 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 46,249 total views

 46,249 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 46,238 total views

 46,238 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 158,990 total views

 158,990 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Santo Papa, nanawagan ng pagbangon

 5,198 total views

 5,198 total views Mariing nanawagan ng pagbangon at pag-asa ang Kanyang Kabanalan Leon XIV sa mamamayan ng Angola sa kanyang isinagawang misa sa kanyang pagdalaw sa

Read More »
Scroll to Top