Caritas Philippines, nagpahayag ng pagbati sa kauna-unahang obispo ng Diocese ng Prosperidad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,685 total reads

Nagpahayag ng pagbati ang social at development arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa pagkakatalaga kay Cebu Auxiliary Bishop Ruben Labajo bilang unang obispo ng bagong tatag na Diyosesis ng Prosperidad sa Agusan del Sur.

Nagagalak ang Caritas Philippines sa panibagong misyon ni Bishop Labajo ay magbubunsod upang higit na maipalaganap ang pananampalatayang Kristiyano sa bagong diyosesis.

Tiwala ang institusyon na sa ilalim ng pamumuno ni Bishop Labajo, ang Diyosesis ng Prosperidad ay magdudulot ng positibong pagbabago at pag-unlad sa pamayanan, lalo na sa buong lalawigan ng Agusan del Sur.

Dalangin ng Caritas Philippines na ang pamamatnubay ni Bishop Labajo ay hindi lamang magpatatag sa simbahan kundi maging simbolo ng pag-asa para sa mga nangangailangan at mga nasa ilalim ng kanyang pangangalaga.

“We are confident that under Bishop Labajo’s leadership, the Diocese of Prosperidad will continue to grow and flourish, bringing hope and compassion to the people of Agusan del Sur,” saad ng institusyon.

October 15, 2024 nang itatag ng Kanyang Kabanalan Francisco ang Diyosesis ng Prosperidad at itinalaga si Bishop Labajo bilang unang obispo.

Inaprubahan ni Pope Francis ang kahilingan ni Butuan Bishop Cosme Damian Almedilla na hatiin ang Diyosesis ng Butuan upang higit na mapangalagaan ang pastoral at espiritwal na pangangailangan ng nasa halos kalahating milyong katoliko ng Agusan del Sur, kung saan 1/3 ng populasyon ay mga katutubo kaya’t itinuturing ang lugar bilang mission frontier.

Ang Diyosesis ng Prosperidad ang ika-87 diyosesis ng Pilipinas, at magiging suffragan diocese ng Archdiocese of Cagayan de Oro.

Si Bishop Labajo ay itinalaga ni Pope Francis bilang auxiliary bishop ng Cebu noong June 2022, at ginawaran ng episcopal ordination noong August 19, 2022, na may episcopal motto na ‘Humiliter Ambulare Coram Deo’ o ‘To walk humbly before the Lord’.

UNDAS 2026, generally peaceful

 33,420 total reads

 33,420 total reads Itinuturing ng Manila Police District na generally peaceful ang paggunita ng Undas 2026 sa apat na pangunahing sementeryo sa Maynila, kung saan umabot

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 9,492 total reads

 9,492 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 58,537 total reads

 58,537 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 108,288 total reads

 108,288 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 267,486 total reads

 267,486 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 294,243 total reads

 294,243 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 186,878 total reads

 186,878 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top