Arsobispo ng Cebu, nanawagan ng suporta sa “One million children praying the rosary”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,583 total reads

Umapela si Cebu Archbishop Jose Palma sa mamamayan na suportahan ang inisyatibo ng Aid to the Church in Need na ‘One million children praying the rosary’.

Ayon sa arsobispo mahalagang tulungan ang mga batang mahubog ang pananampalataya at mapalalim ang ugnayan sa Panginoon.

Aniya nararapat suportahan ang mga kabataan at magbuklod ang pamayanan sa pananalangin lalo na sa natatanging intensyon na makamit ang kapayapaan ng daigdig.

“Please support the One Million Children Praying the Rosary campaign. How beautiful to imagine that at this early age, they are united in honoring Mama Mary. Let us come together in prayer to attain peace in every corner of the world,” pahayag ni Archbishop Palma sa Radio Veritas.

Sinabi ng arsobispo mahalaga ang mga panalangin para sa kaayusan sa mga bansa sa Middle East na kasalukuyang nahaharap sa iba’t ibang banta ng karahasan gayundin ang iba pang lugar sa Europa.

Sa October 18 kasabay ng kapistahan ni San Lucas, ebanghelista ay muling isasagawa ng ACN ang sabayang pananalangin ng Santo Rosaryo para sa pagkakaisa at kapayapaan ng sanlibutan.

Gayundin ang kaligtasan ng mga kristiyanong nakararanas ng pang-uusig dahil sa kanilang pananampalataya.
Tema sa pagdiriwang ngayong taon ang “Pray the Rosary and there will be peace” na isa sa mga kahilingan ng Mahal na Birhen ng magpakita sa tatlong bata sa Fatima Portugal.

Isasagawa ng ACN Philippines ang One Million Children Praying the Rosary na Tinig ng Pag-asa ng mga Munting Alagad sa Malolos Cathedral – Immaculate Conception Parish Cathedral & Minor Basilica ng Diocese of Malolos sa alas nuwebe ng umaga.

Sa mga lalahok sa gawain maaring i-download ang prayer kits sa millionchildrenpraying.org. para magamit bilang gabay sa pananalangin.

UNDAS 2026, generally peaceful

 30,555 total reads

 30,555 total reads Itinuturing ng Manila Police District na generally peaceful ang paggunita ng Undas 2026 sa apat na pangunahing sementeryo sa Maynila, kung saan umabot

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 4,676 total reads

 4,676 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 54,187 total reads

 54,187 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 103,939 total reads

 103,939 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 263,133 total reads

 263,133 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 290,095 total reads

 290,095 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top