Clemency, panawagan ng simbahan para kay Mary Jane Veloso

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,012 total reads

Clemency, panawagan ng simbahan para kay Mary Jane Veloso

Nanawagan ng clemency kay Pangulong Ferdinand Marcos Junior para kay Mary Jane Veloso si Caritas Philippines Vice-president Gerardo Alminaza at kaniyang mga magulang na sila Cesar at Celia Veloso.

Ginawa ng Obispo ang panawagan sa misang inalay para sa inaasahang pag-uwi ni Mary Jane Veloso sa Pilipinas matapos ang 14-taong pagkakulong sa Indonesia sa kasong Drug Trafficking noong 2010.

Ayon kay Bishop Alminaza, nawa matapos mahatulan ang mga indibidwal na napatunayan may sala sa pagsasangkot kay Veloso ay maunawaan ng pamahalaan na biktima sa Veloso at hindi kailanman ay naging sangkot sa anumang ilegal na aktibidad.

Naniniwala ang Obispo na tanging pagtatrabaho sa ibayong dagat at pagpapabuti sa kalagayan ng pamilya ang layunin ni Mary Jane kaya ito naging Overseas Filipino Worker (OFW).

“At sana dahil na-convict naman yung traffickers niya at kaya nga ang reason na bakit babalik, ipapabalik siya ay dahil siya ay maging state witness, maging test, magte-testify siya against doon sa traffickers niya, sana this is already the needed basis or reason na mabigyan na siya ng clemency, na mapatunayan na siya ay inosente at biktima lang talaga ng mga, yung mga taking advantage ng kahirapan, ng ating kapwa Pilipino para yumaman sila at magkapera sila, napakasakit nitong experience na ito, Sana wala ng Mary Jane Veloso na makaranas ng ganito, so panawagan ko, ipagdasal natin, magtrabaho tayo, magtulungan tayo,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Alminaza.

Labis naman ang pagpapasalamat ng Ina ni Mary Jane na si Celia Veloso dahil sa suportang ipinaramdam ng simbahan simula ng makulong si Veloso kung saan ipinarating din niya ang pagpapasalamat sa pamahalaan, media at ibat-ibang grupo na naging bahagi ng 14-taon pakikibaka para sa kaniyang anak.

Umaasa si ginang Celia na kilalanin ng pamahalaan na inosente at biktima ang anak na si Mary Jane at igawad ang clemency.

“Ang mensahe ko po nagpapasalamat po ako sa lahat-lahat po ng sumuporta sa aking anak, sa mga Migrante, sa Attorney namin, sa mga Media at sa mga Taong Simbahan, sa buong mundo na sumuporta, maraming salamat at ang kwan ko po sana, makauwi po siya ng mapayapa, ligtas at bigyan na siya ng ating pangulo ng Clemency,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Celia Veloso.

Nobyembre ng iparating ng Indonesia sa Pilipinas ang layuning ilipat si Mary Jane Veloso sa mga kulungan ng Pilipinas.

Matapos makulong, simula pa noong 2010 ay idinaos na ang mga pakikipag-ugnayan o dayalogo ng pamahalan ng Pilipinas sa Indonesia matapos mahatulan ng bitay at magawaran ng temporary reprieve noong 2015 si Veloso.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paghilom ng ozone layer

 54,840 total reads

 54,840 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Pagnanakaw sa kabataan

 99,152 total reads

 99,152 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 136,151 total reads

 136,151 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 243,028 total reads

 243,028 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 285,016 total reads

 285,016 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top