Mamamayan, binalaan ng DOH sa bagong respiratory outbreak sa China

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,603 total reads

Pinaalalahanan ng Department of Health ang publiko hinggil sa mga kumakalat na balita sa social media hinggil sa panibagong ‘international health concern’ na posibleng maging katulad ng pandemyang coronavirus disease o COVID-19.

Kaugnay ito sa Human Metapneumovirus (HMPV) na dahilan ng kasalukuyang respiratory outbreak sa China, na maaaring magdulot ng mild cold-like symptoms hanggang sa severe respiratory illness, lalo na sa mga bata, matatanda, at may mahinang immune system.

Nilinaw naman ng DOH na ang mga impormasyong kumakalat sa social media ay wala pang kumpirmasyon mula sa World Health Organization o maging sa China.

“The Philippines, through the Department of Health (DOH), is an active participant in the network of WHO Member States that follow the International Health Regulations (IHR). This established system is what gives reliable updates about international health concerns,” pahayag ng DOH.

Gayunman, tiniyak ng kagawaran ang pagbabantay at pagkalap ng wastong impormasyon hinggil sa mga karamdamang maaaring magdulot ng banta sa kalusugan ng publiko.

Pakiusap ng DOH na iwasan ang pagbabahagi ng mga impormasyon mula sa mga kaduda-dudang website o online platforms na maaaring magdulot ng takot at kalituhan.

“Please do not share questionable websites or online sources. Let us not spread misinformation and confusion,” ayon sa DOH.

Magugunita noong January 1, 2020, limang taon na ang nakalilipas, nang kumpirmahin ng WHO ang pagkalat ng COVID-19 mula sa Wuhan, China na labis na nagpahirap at kumitil sa buhay ng milyon-milyong populasyon sa iba’t ibang panig ng mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 54,666 total reads

 54,666 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 93,257 total reads

 93,257 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 127,385 total reads

 127,385 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 183,791 total reads

 183,791 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 179,035 total reads

 179,035 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top