Nakiisa sa 1st Marian International festival, pinasalamatan ng Diocese of Antipolo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,001 total views

Nagpapasalamat ang pamunuan ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage sa mga nakibahagi sa kauna-unahang Marian International Festival bilang pagpapalaganap ng debosyon sa Mahal na Birheng Maria.

Ayon kay Antipolo Bishop Ruperto Santos, rektor at kura paroko ng dambana, layunin ng festival na higit na maipakilala at maipaunawa sa mananampalataya ang tunay na kahulugan ng pagdedebosyon sa ina ng Panginoong Hesukristo.

“Ito ay isang gawain natin upang ipalaganap ang ating debosyon sa ating Mahal na Ina at sa ating pagpapalaganap ng debosyon sa kanya ay napapalalim natin ang ating pananampalataya, pananalig sa ating Panginoong Diyos,” ayon kay Bishop Santos sa panayam ng Radio Veritas.

Nagsimula ang tatlong-araw na pagtitipon noong January 9 kung saan nagkaloob ng Sakramento ng Kumpisal upang mabigyang pagkakataon ang mga mananampalataya na panibaguhin ang sarili at humingi ng tawad sa Panginoon.

Sa ikalawang araw, January 10, pinagtuunan ng dambana ang pagkakawanggawa sa pamamagitan ng feeding program, pamamahagi ng school supplies, at serbisyong pangkalusugan para sa mga mananampalataya, lalo na sa mahihirap.

Habang nagtapos naman ang festival noong January 11 sa pamamagitan ng Banal na Misa at Marian Conference, sa pangunguna ni Vatican Dicastery for Evangelization Pro-Prefect, Cardinal Luis Antonio Tagle, katuwang si Bishop Santos, at mga pari ng Diyosesis ng Antipolo.

Lubos na nagagalak si Bishop Santos sa pagpapaunlak ni Cardinal Tagle na pangunahan ang pagtatapos ng pagtitipon at higit pang maipaliwanag sa mga mananampalataya ang diwa ng Marian Devotion.

Umaasa si Bishop Santos na sa paglulunsad ng taunang Marian International Festival, lalo na ngayong Taon ng Hubileyo na may temang “Pilgrims of Hope,” ay magpapatuloy ito upang sa pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria, na siyang huwaran ng tunay na pag-asa, ay makamit ng bawat isa ang kapayapaan habang naglalakbay patungo sa landas ng Panginoong Hesukristo.

“Ito ay tanda na kung saan sa ating paglalakbay, ang Mahal na Birheng Maria dito sa Antipolo at sa ating mga Pilipino, siya ang ating ina ng kapayapaan at mabuting paglalakbay. Sa ating paglalakbay, tayo’y umaasa at ito talaga ang ating pag-asa na ito ay magiging mabuti’t mapayapa, at mag-uuwi sa atin ng ating malalim na panampalataya at mag-uuwi sa atin sa bahay ng ating Diyos Ama sa Langit,” ayon kay Bishop Santos.

Kiilala ang International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral bilang kauna-unahang international shrine sa Pilipinas at sa Southeast Asia, gayundin ang kauna-unahang Marian international shrine sa buong Asya.

Nagsisilbing tanglaw ng pag-asa at pananampalataya ang mayamang kasaysayan ng dambana at ang patuloy na debosyon sa Mahal na Birhen para sa milyun-milyong deboto mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baluktot na katotohanan

 51,544 total views

 51,544 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 60,908 total views

 60,908 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 87,364 total views

 87,364 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 135,922 total views

 135,922 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 137,493 total views

 137,493 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top