Mananampalataya, hinimok ni Cardinal Advincula na makiisa sa Walk for Life 2025

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,011 total reads

Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mamamayan na makiisa sa Walk for Life: Walk for Hope 2025.

Ayon sa arsobispo mahalaga ang pagbubuklod ng mamamayan lalo ngayong taon sa diwa ng Jubilee Year na may temang Pilgrims of Hope upang higit na maisulong sa lipunan ang pagtataguyod ng buhay.

Batid ni Cardinal Advincula ang iba’t ibang hamong kinakaharap ng pamayanan hinggil sa kasagraduhan ng buhay kaya’t bilang kristiyano ay nararapat lamang na manindigan sa biyaya ng buhay na ipinagkaloob ng Panginoon.

“As we constantly face numerous threats on the family and life, especially concerning social policies and models, this Jubilee Year is an opportune time to confirm our commitment as pilgrims of hope advocating the sanctity and importance of life from conception to natural death,” paanyaya ni Cardinal Advincula.

Isasagawa ang Walk for Life: Walk for Hope sa February 23, araw ng Linggo, na magsisimula ang pagtitipon sa Lawn C o Flower Park area ng Rizal Park (Luneta) malapit sa Maria Orosa Street sa alas kuwatro ng madaling araw.

Sa diwa ng pag-asa, panalangin at pagsasakripisyo ay sama-samang maglalakad ang mga lalahok patungong Minor Basilica and Metropolitan Cathedral o Manila Cathedral kung saan isasagawa ang maiksing programa.

Tampok sa programa ang mga panayam nina kontra aborsyon advocate Benita Javier, Prolife Dr. Ryan Capitulo, at Human Life Intenartional Philippine Country Director Dr. Rene Bullecer.
“Through this initiative, our celebration of the Jubilee Year finds a deeper sense and conviction on our journey of hope together as pilgrim people. I invite all parishes and communities, especially our ministries and organizations on family and life, to organize representation for this event,” ani Cardinal Advincula.

Pangungunahan ni Cardinal Advincula ang banal na misa sa alas 6:30 ng umaga kasama si Dipolog Bishop Severo Caermare ang kasalukuyang chairperson ng CBCP Commission on the Laity, Commission on Family and LIfe Chairperson, Paranaque Bishop Jesse Mercado, iba pang mga obispo at pari ng iba’t ibang diyosesis.

Katuwang ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas sa Walk for Life ngayong taon ang CBCP Episcopal Commissions on the Laity and Family and Life at ang Office for the Promotion of the New Evangelization ng Archdiocese of Manila.

Matutunghayan ang Walk for Life sa Radio Veritas 846, DZRV 846 Facebook page at Veritas TV Sky Cable 211 mula alas kuwatro ng madaling araw hanggang alas otso ng umaga.
Para sa karagdagang detalye maaring makipag-ugnayan sa mga sumusunod Walk for Life Facebook Page, mag-email sa [email protected], o magparehistro sa Link for Registration

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 88,230 total reads

 88,230 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 124,493 total reads

 124,493 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 158,625 total reads

 158,625 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 215,030 total reads

 215,030 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top