Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Dating Pangulong Duterte, inaresto sa NAIA

SHARE THE TRUTH

 15,316 total views

Inaresto ngayong umaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos ihain ng mga awtoridad ang warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC) para sa kasong crime against humanity.

Ganap na 9:20 ng umaga nang lumapag sa Maynila ang eroplanong Cathay Pacific CX 907 mula Hong Kong, lulan si Duterte at ang kanyang grupo.

Pagdating sa paliparan, agad silang sinalubong ng mga opisyal ng INTERPOL Manila, National Bureau of Investigation (NBI), at Philippine National Police (PNP) upang ipatupad ang utos ng ICC.

“Sa kanyang pagdating, inihain ng Prosecutor General ang ICC notification para sa isang arrest warrant sa dating Pangulo para sa krimen laban sa sangkatauhan. Ang dating Pangulo at ang kanyang grupo ay nasa mabuting kalusugan at sinuri ng mga doctor ng gobyerno. Sinigurado na siya ay nasa maayos na kalagayan,” ayon sa pahayag ng Malacañang.

Inihain ng Prosecutor General ang opisyal na abiso ng pag-aresto sa dating pangulo, ayon sa inilabas na opisyal na pahayag ng Malacanang.

Ayon sa mga awtoridad, ang dating Pangulo at ang kanyang grupo ay nasa mabuting kalusugan at isinailalim sa medical check-up ng mga doktor ng gobyerno upang tiyakin ang kanilang kalagayan.

Upang matiyak ang transparency, tiniyak ng PNP na ang mga opisyal na nagpatupad ng warrant ay may suot na body camera upang maitala ang buong proseso ng pag-aresto.

Sa kasalukuyan, si Duterte ay nasa kustodiya na ng mga kinauukulan habang inaasahang isasagawa ang mga susunod na legal na hakbang kaugnay ng kanyang kaso sa ICC.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 1,262 total views

 1,262 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 15,322 total views

 15,322 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 33,893 total views

 33,892 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 59,269 total views

 59,269 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Jerry Maya Figarola

Caritas Manila calls for donation

 9,036 total views

 9,036 total views Nanawagan ang Caritas Manila sa mga Pilipinong mayroong bukal na kalooban na makiisa sa donation drive na kanilang isinasagawa upang tugunan ang pangangailangan

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 35,354 total views

 35,354 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »
1234567