Pagkaaresto kay Digong, tagumpay ng katarungan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,878 total reads

Itinuturing ng Alyansa Tigil Mina (ATM) bilang tagumpay ng katarungan ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa mga krimen laban sa sangkatauhan.

Ayon kay ATM National Coordinator Jaybee Garganera, bagamat hindi na maibabalik ang libo-libong buhay na nawala, ang pag-aresto kay Duterte ay mahalagang hakbang tungo sa paghilom at paghahanap ng katarungan ng mga naulilang pamilya.

“It may have taken several years for justice to be served, but we finally have that today. The tens of thousands who have been killed during Duterte’s presidency may not be brought back to life, but the arrest is a step towards the healing and the quest for justice of the victims’ families,” pahayag ni Garganera.

Bukod sa mga biktima ng madugong kampanya kontra droga, binigyang-diin din ni Garganera ang mga kaso ng pagpaslang at pag-atake sa mga tagapagtanggol ng kalikasan at karapatang pantao sa ilalim ng administrasyong Duterte.

“For defending their lands and fighting for food, water and health, many were red-tagged and doomed to suffer,” pahayag ni Garganera.

Iginiit ni Garganera na hindi tulad ni Duterte, na binibigyan ngayon ng due process, libu-libo ang pinagkaitan ng katulad na karapatan at basta na lamang pinatay nang walang pananagutan.

Panawagan ng ATM sa International Criminal Court (ICC) at sa pamahalaan ng Pilipinas na papanagutin at litisin ang lahat ng may kinalaman sa malupit na panunupil sa ilalim ng panunungkulan ni Duterte.

Noong Marso 11, 2025, pasado alas-9 ng umaga, inaresto si Duterte sa Ninoy Aquino International Airport ng mga opisyal ng International Criminal Police Organization (INTERPOL) Manila, National Bureau of Investigation (NBI), at Philippine National Police (PNP) matapos ihain ang warrant of arrest mula sa ICC para sa kasong crime against humanity.

Batay sa tala ng PNP, mahigit-6,000 Pilipino ang napaslang sa ‘giyera kontra droga, ngunit ayon sa mga human rights group sa Pilipinas, higit 30,000 katao ang tunay na bilang ng mga napaslang, mula sa mga mahihirap na tagalungsod kabilang ang mga inosenteng bata.

Una nang binigyang-diin ng Conference of Major Superiors in the Philippines-Justice, Peace, and Integrity of Creation Commission na ang tunay na kapayapaan ay makakamit lamang kung kikilalanin ang mga maling nagawa sa nakaraan at pananagutin ang mga may kasalanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 178,762 total reads

 178,762 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 207,946 total reads

 207,946 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 242,067 total reads

 242,067 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 298,471 total reads

 298,471 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 183,020 total reads

 183,020 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top