Pope Francis, nakikiisa sa mga maysakit at nahihirapan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,951 total views

Sa kabila ng karamdaman muling tiniyak ng Papa Francisco ang pakikilakbay sa bawat mananampalataya lalo na sa mga may sakit at nahihirapan.

Inihayag ng Santo Papa sa kanyang angelus na bagamat mahina ang pangangatawan ng mga may karamdaman ay hindi ito hadlang upang patuloy na ipadama sa kapwa ang malasakit at pag-ibig na magdudulot ng pag-asa sa mga pinanghihinaan tulad ng mga nagpapagaling sa pagamutan.

“Our bodies are weak, but even like this, nothing can prevent us from loving, praying, giving ourselves, being for each other, in faith, and shining signs of hope. How much light shines, in this sense, in hospitals and places of care,” bahagi ng mensahe ni Pope Francis.

Ipinaliwanag ni Pope Francis na sa pamamagitan ng pagmamalasakit at pagkalinga ng mga medical professionals sa mga maysakit ay nababanaagan sa mga ospital ang liwanag ng pag-asa at naipapahayag ang habag, awa at kalinga ng Panginoon.

Mula February 14 ay namalagi ang santo papa sa Gemelli Hospital sa Roma dahil sa bronchitis na kalauna’y nagkaroon ng bilateral pneumonia na ngayo’y patuloy na binabantayan ng mga doctor bagamat nanatiling stable ang kalagayan nito.

Hiniling ng punong pastol sa bawat isa ang pakikiisa sa pasasalamat sa Panginoon sa patuloy na biyaya ng buhay at kalakasang tinatamasa.

Pinasalamatan ni Pope Francis ang bawat isang nagpaabot ng mensahe at panalangin para sa kanyang dagliang paggaling lalo na ang mga kabataang kasamang nagpapagaling sa Gemelli.

Muling hiniling nito sa sangkatauhang ipanalangin ang biktima ng digmaan sa buong mundo lalo na ang mamamayan ng Ukraine, Palestine, Israel, Lebanon, Myanmar, Sudan, at Democratic Republic of the Congo kasabay ng panawagang paigtingin ang mga hakbang tungo sa pagkakaayos upang iiral ang lipunang nagbubuklod, nagtutulungan at mapayapa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 59,473 total views

 59,473 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 55,342 total views

 55,342 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 91,544 total views

 91,544 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 99,823 total views

 99,823 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 124,209 total views

 124,209 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top