Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Banal na oras para sa kalikasan “Earth hour” 2025, isasagawa sa Radio Veritas

SHARE THE TRUTH

 15,506 total views

Muling inaanyayahan ng kapanalig na himpilan ang lahat na pakinggan at tunghayan ang inihandang programa bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Earth Hour ngayong taon.

Ito ang “Ang Banal na Oras para sa Kalikasan: Earth Hour 2025 Special,” na gaganapin ngayong Sabado, March 22, 2025 mula alas-otso hanggang alas-10 ng gabi.

Tampok sa programa ang isang oras na pagpapatay ng mga ilaw mula alas-8:30 hanggang alas-9:30 ng gabi, na sasabayan ng pagdarasal ng Santo Rosaryo at mga pagninilay mula kina Cubao Bishop-emeritus Honesto Ongtioco, Bontoc-Lagawe Bishop Valentin Dimoc, at Borongan, Eastern Samar Bishop Crispin Varquez.

Gayundin ang panayam mula sa mga makakalikasang grupo upang talakayin ang mga paksang “Caring for Our Common Home Amid Climate Crisis” at “Dirty Energy Versus Renewable Energy”.

Magsisilbi namang host ng programa sina Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) co-executive secretary, Franciscan missionary, Fr. Angel Cortez; at Caritas Philippines National Integrity Ecology Program head, Ms. Jing Rey Henderson.

Mapapakinggan ang programa sa DZRV846 AM at mapapanood sa DZRV846 Facebook page, Veritas PH sa YouTube, at Veritas TV Sky Cable Channel 211.

Ito’y sa pakikipagtulungan ng World Wide Fund for Nature Philippines, Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, Conference of Major Superiors in the Philippines, at Caritas Philippines.

Ngayong taon ang ika-17 beses na pakikibahagi ng Pilipinas sa taunang Earth Hour bilang patuloy na paninindigan upang pangalagaan ang daigdig.

Unang isinagawa ang Earth Hour noong 2007 sa Sydney, Australia, at itinuturing na pinakamalaking pagtitipon para sa kalikasan, at ngayo’y isinasagawa na sa higit 7,000 lungsod at 193 bansa sa buong mundo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MISALIGNED

 6,555 total views

 6,555 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 25,126 total views

 25,126 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 50,626 total views

 50,626 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 61,427 total views

 61,427 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Jerry Maya Figarola

Caritas Manila calls for donation

 1,305 total views

 1,305 total views Nanawagan ang Caritas Manila sa mga Pilipinong mayroong bukal na kalooban na makiisa sa donation drive na kanilang isinasagawa upang tugunan ang pangangailangan

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

Sana ay mali kami

 13,654 total views

 13,654 total views Ito ang mariing pahayag ni Diocese of Lucena Ministry on Ecology director, Fr. Warren Puno, habang pinagninilayan ang sunod-sunod na sakuna at kalamidad

Read More »
1234567