Maging bahagi ng Guinness World records, makiisa sa 2025 Alay Lakad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,718 total views

Muling inaanyayahan ng Diocese of Antipolo ang mananampalataya na makiisa sa taunang Alay Lakad patungong International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral sa Huwebes Santo.

Ayon kay Parish Priest, Antipolo Bishop Ruperto Santos ito ang natatanging panahon upang ipahayag ang malalim na pananampalataya ng mga Pilipino na nakikiisa sa sakripisyo ng Panginoon sa pamamagitan ng paglalakad ng 17 kilometro mula Metro Manila patungong Antipolo Cathedral.

Layunin ngayong taon na makilala ang Alay Lakad ng diyosesis sa buong mundo lalo na sa Guinness World Records bilang ‘Largest Gathering for a Walking Pilgrimage in 12 Hours’ sapagkat magsisimula ang paglalakad ng mga perigrino sa April 17, Huwebes Santo, sa alas sais ng gabi hanggang April 18, Biyernes Santo, sa alas sais ng umaga.

“Such a record would not only highlight the spiritual significance of the pilgrimage but also bring global recognition to the cultural and religious traditions of the Philippines,” pahayag ni Bishop Santos.

Matatandaang noong 2024 tinatayang nasa 7.4 million perigrino ang nakilahok sa Alay Lakad na kung saan pagsapit sa dambana ng Antipolo Cathedral ay nag-aalay ng panalangin ang mga nakikilahok at mga barya bilang pakikiisa sa mga layunin ng simbahan lalo kabilang na ang paglingap sa kapwa.

Noong nakalipas na taon nakalikom ng mahigit 100, 000 piso ang dambana mula sa mga baryang inialay ng mga perigrino na ginamit naman ng diyosesis upang pondohan ang pagpapatayo ng Chapel of Our Lady of Antipolo Tanay Rizal na magiging sentro ng pagpapalalim sa pananampalataya at sakramento ng simbahan lalo na ang pag-iisang dibdib.

Kasabay nitong Alay Lakad ang puspusang paghahanda ng international shrine sa nalalapit na pagsisimula ng pilgrimage season sa Mayo na magtatagal hanggang Hulyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 62,855 total views

 62,855 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 58,724 total views

 58,724 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 94,926 total views

 94,926 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 103,087 total views

 103,087 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 127,162 total views

 127,162 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top