Special bond of affinity sa Papal Basilica,isang biyaya sa Immaculate Conception parish

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,152 total reads

Malugod na ibinahagi ng Immaculate Conception Parish ng Oslob Cebu ang pagkakaroon ng ugnayan sa pagitan ng Papal Basilica of Saint Mary Major sa Roma.

Ayon kay Fr. Jonald Concha, ang kura paroko ng parokya, ang pagkakaroon ng special bond of affinity ng parokya sa papal basilica ay tanda ng mas higit na pagpapalawak ng misyon ng simbahan sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita.

“This affiliation is a blessing for our parish and a reminder of our shared commitment to spreading the Gospel and serving our community,” ayon sa pahayag ni Fr. Concha.
Sinabi ng pari na March 4, 2025 naging epektibo ang ugnayan ng dalawang simbahan na isinapubliko lamang ito nitong April 10.

Unang isinumite ni Fr. Concha ang petition for affiliation kay Cebu Archbishop Jose Palma kung saan binigyang ito ng endorsement habang personal na inihatid ni Christian Bonpua ng National Historical Commission of the Philippines sa Apostolic Nunciature sa Manila ang mga dokumento para hilingin ang ugnayan na kalauna’y kinatigan ng Archpriest ng Major Basilica.
“The affiliation is expected to strengthen the spiritual connections with the global Catholic community and deepen the devotion to the Mother of God. The whole parish community look forward to fostering this new relationship and exploring opportunities for spiritual growth and collaboration,” dagdag ng pari.

Bukod dito sumulat din sa parokya si Cardinal Rolandas Makrickas ang Coadjutor-Archpriest ng Papal Basilica kung saan sinabing pagkakalooban ito ng ‘brick’ na mula sa Holy Door ng Saint Mary Major Basilica.

Dahil sa ugnayan ng dalawang simbahan ang mga parishioners at bawat perigrinong dadalaw sa parokya ay nakikiisa na rin sa spiritual life ng basilica kabilang na ang mga pagdiriwang ng liturhiya at iba pang devotional practices.

Ayon sa kasaysayan ang parokya ay itinatag ni Fr. Julian Bermejo, OSA ayon sa desinyo ni Bishop Santos Gomez Maraño noong 1830 at natapos taong 1847 at ganap na naging parokya January 8, 1848.
Idineklara ng National Historical Commission of the Philippines ang parokya bilang heritage church at nilagyan ng tanda noong September 23, 2022 habang May 2023 naman nang ideklarang National Cultural Treasure ng National Museum of the Philippines.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 8,246 total reads

 8,246 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 44,307 total reads

 44,307 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 100,713 total reads

 100,713 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 224,016 total reads

 224,016 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top