376 total views
Pinalakas ni San Carlos Bishop Gerardo – National Chairperson ng Church People Workers (CWS) ang apela ng kalipunan ng mga manggagawa sa bansa.
Sa pagdiriwang sa Kapistahan ni San Jose Manggagawa at Labor Day ngayong May 01, ipinarating ng Obispo sa pamahalaan ang kagyat na pangangailangan tugunan na ang apela ng mga manggagawa.
Ayon sa Obispo, Ito ay ang kakulangan sa suweldo ng mga manggagawa sa buong Pilipinas at mga pang-aalipusta mula sa kanilang employers at kamanggagawa.
“Today, CWS remembers especially those who labor under unjust conditions—underpaid, overworked, or denied fundamental rights. Labor Day calls us to commemorate past struggles and act in the present. It is a moral imperative for us—especially those in faith communities—to accompany workers in their call for living wages, the right to organize, and humane conditions,” ayon sa mensahe ni Bishop Alminaza na ipinadala sa Radio Veritas .
Apela ng Obispo, napapanahon ng ipatupad ang 1,200-Daily Minimum Wage para sa mga manggagawa upang masuportahan ang kanilang pamilya kasunod ng higit na kinakailangan pagbuwag sa kontrakwalisasyon at pagbuwag din sa Regional Wage Board na dahilan ng hindi pagkakapantay-pantay sa suweldo ng mga manggagawa kada rehiyon.
Kasabay ito ng pinaigting na pagtatanggol ng pamahalaan para sa karapatan ng mga manggagawa upang maiwaksi na ang mga kaso ng paniniil at pagtitiyak na ligtas ang mga lugar ng paggawa upang maiwasan ang mga aksidente o pagkamatay ng mga manggagawa.
“As Pope Francis urges: “The future of humanity does not lie solely in the hands of great leaders, the great powers and the elites. It is fundamentally in the hands of peoples and in their ability to organize.” (World Meeting of Popular Movements, 2014) Let us, then, be companions in that organizing. Let us pray, speak, and act for a society where no one is left behind and where labor is truly dignified,” ayon pa sa mensaheng ipinadala ni Bishop Alminaza sa Radio Veritas
Bukod sa mababang suweldo, kontrakwalisasyon at hindi pantay na benepisyo, kinakaharap din ng mga manggagawa sa Pilipinas ang paniniil, red-tagging at kawalan ng katarungan.
Ito ay dahil noong 2024, muling napabilang ang Pilipinas sa talaan ng Global Rights Index bilang isa sa mga bansang binansagang ‘Most Dangerous Countries for Labor Leaders and Members’ para sa nakalipas na taon.