Gamitin ang teknolohiya sa paghahayag ng mabuting balita- Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,883 total views

Hinimok ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang mamamayan na gamitin ang teknolohiya sa pagpapahayag ng Mabuting Balita ng Panginoon at kabutihan sa lipunan.

Ito ang mensahe ng obispo sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat sa Langit ng Panginoon at World Communication Sunday.

Binigyang diin ni Bishop Pabillo ang pagkakaugnay sa dalawang pagdiriwang sapagkat paanyaya ito sa bawat kristiyano na maging saksi sa Muling Pagkabuhay ni Hesus at ipalaganap sa lipunan gamit ang iba’t ibang paraan ng pamamahayag.

“Sa araw na ito pinapaalala sa atin ang papel ng komunikasyon para ipahayag si Jesus. Gamitin natin ang social media hindi lang para sa ating kaaliwan. Lalung lalo na huwag gamitin ito upang ipakalat ang kasamaan at kasinungalingan,” bahagi ng mensahe ni Bishop Pabillo.

Tinuran ng opisyal ang ilang paraan ng pamamahayag tulad ng telebisyon, radyo, at pahayagan gayundin ang internet kung saan pangunahing ginagamit sa kasalukuyan ang social media tulad ng Facebook, Tiktok, YouTube, Messenger at iba pang online platforms.

Aniya nawa’y gamitin itong mga pamamaraan upang maging saksi sa pag-akyat sa Langit ni Hesus at sa kanyang muling pagbabalik para sa sangkatauhan.

Iginiit ni Bishop Pabillo na tulad ng tema ng pagdiriwang na ‘Share with gentleness the hope that is in your hearts’ dapat maging daluyan ng pag-asa ang social media at maging daan sa pagbubuklod ng mamamayan.

“Sa pamamagitan ng social media ipahayag natin ng may kahinahunan ang ating pag-asa. Tanggalin natin ang anumang karasahan at kasinungalingan sa ating pagpapahayag. Dapat ang social media ay ginagamit para ang mga tao ay magkakilala at magka-ugnay at hindi upang sila ay magkaaway-away,” giit ng obispo.

Umaasa si Bishop Pabillo na gamitin ng mamamayan ang social media para sa dayalogo upang mas lumawak sa pamayanan ang katotohanan, kabutihan, pagkakaibigan at pag-unawa sa bawat isa na isang konkretong pagpapahayag na ginagamit ang komunikasyon sa pagpapalawak ng kaharian ng Diyos.

Batay sa datos ng DataReportal ngayong 2025 naitala sa Pilipinas ang 142-milyong cellular mobile connections, halos 98-milyon ang aktibo sa internet at may 91-milyong social media users o katumbas sa 78 porsyento sa kabuuang populasyon.

Pinakapangunahing social media platform na ginagamit ng mga Pilipino ang Facebook na may 90.8 million users na sinundan ng Tiktok sa 62.3 million users na tumaas ng halos 14 na milyon ang gumagamit sa mula 2024 hanggang 2025.

Ang messaging app na Messenger naman ay may 61.8 million users habang ang YouTube na may 57.7 million users.

Umaasa si Bishop Pabillo na maging kapakipakinabang sa lipunan ang paggamit sa makabagong teknolohiya upang isulong ang misyon ng simbahan na lumago ang pananampalataya ng mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 47,650 total views

 47,650 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 43,519 total views

 43,519 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 79,721 total views

 79,721 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 88,423 total views

 88,423 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 113,701 total views

 113,701 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top