Arsobispo ng Lipa at Zamboanga nahalal bilang mga pinuno ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 37,370 total reads

Inihalal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines si Lipa Archbishop Gilbert Garcera bilang bagong pangulo ng kalipunan. Ang arsobispo ang hahalili kay Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na matatapos ang termino sa November 30, 2025.

Naihalal din ng kalipunan si Zamboanga Archbishop Julius Tonel bilang Vice President na hahalili kay Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara na matatapos din ang termino sa Nobyembre.

Si Archbishop Garcera ay kasalukuyang regional representative ng Southeast Luzon habang si Archbishop Tonel naman ang kinatawan ng South Mindanao sa CBCP.
Bago maordinahang obispo noong 2007 si Archbishop Garcera ay nagsilbing secretary general ng CBCP, executive secretary ng Episcopal Commission on Mission at national director ng Pontifical Mission Society.

Nagsilbi rin ang arsobispo bilang chairman ng Office on Laity and Family ng Federation of Asian Bishops’ Conferences.

Samantala si Archbishop Tonel naman ay dating chairperson ng CBCP Commission on Liturgy at kasalukuyang namumuno sa Committee on Bishops’ Concern.

Ang mga opisyal ng CBCP ay maglilingkod sa loob ng dalawang taon para sa isang termino at maaring muling ihalal sa pangalawang termino o kabuuang apat na taong pamumuno.

Kasalukuyang may 126 na miyembro ang CBCP kung saan 87 ang aktibong obispo, 38 ang mga retirado at tatlong diocesan priest-administrators.

Dalawang beses sa isang taon ang pagpupulong ng kapulungan at kung walang pagtitipon ang CBCP ang permanent council ang magsisilbing kinatawan ng buong kapulungan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 86,441 total reads

 86,441 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 122,889 total reads

 122,889 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 157,020 total reads

 157,020 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 213,426 total reads

 213,426 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top