Si Hesus ang pag-asa at bagong buhay, paalala ng Papal Nuncio to the Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,672 total reads

Pinaalalahanan ng opisyal ng Vatican ang mananampalataya na hatid ni Hesus ang bagong buhay at pag-asa para sa bawat isa.

Ito ang mensahe ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown sa misang ginanap sa Saint Michael the Archangel Parish sa Jagna Bohol sa unang araw ng 130th plenary assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Sinabi ni Archbishop Brown na si Hesus ang tumatanglaw upang kamtin ng sangkatauhan ang pag-asang dulot ng kanyang mga sakripisyo.

“Hope is always pointed to the future. Hope is always about something new. We hope about the future—what is new. Hope is confidence in newness. Hope is confidence in what is coming, what is new,” bahagi ng pagninilay ni Archbishop Brown.

Binigyang diin ng nuncio na ang mga kristiyano ay kawang puspos ng kagalagakan at pag-asa sa kinabukasan.

Inalala ni Archbishop Brown ang namayapang Pope Francis na nag-iwan ng mensahe ng pag-asa sa kanyang paglisan noong April 21 o Easter Monday lalo’t pinasimulan nito ang pagdiriwang ng simbahang katolika sa Jubilee Year of Hope.

Tinuran ng arsobispo na ang pagkahalal kay Pope Leo XIV ay patunay ng pagpapatuloy ng simbahan sa paghahatid ng pag-asa sa kristiyanong pamayanana.

“We mourn the loss of our beloved Holy Father, Pope Francis. His pontificate comes to an end in that beautiful moment of Easter Monday, that moment of new life, then a new pope for a new era, the youngest pope we’ve had in the last 35 years, Pope Leo XIV. So, we have this continuous newness of the Church. She is always renewing herself,” giit ni Archbishop Brown.

Paalala ng arsobispo sa mananampalataya na ipagdiwang nang buong kagalakan ang diwa ng pag-asa batay sa Bull of Indiction ni Pope Francis na nagdeklarang Holy Year of Jubilee ang 2025 sa temang ‘Spes non Confundit’ o ‘hope does not disaappoint’.

Katuwang ni Archbishop Brown sa pagdiriwang ng banal na misa sa unang araw ng plenary assembly sina Military Bishop Oscar Jaime Florencion at Alaminos Bishop Napoleon Sipalay, Jr.
Kasalukuyang isinasagawa ang CBCP Plenary Assembly sa Anda, Bohol na bahagi ng Diocese of Talibon mula JUly 5 hanggang 7.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 86,494 total reads

 86,494 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 122,942 total reads

 122,942 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 157,073 total reads

 157,073 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 213,479 total reads

 213,479 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top