Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Dam project sa Laguna, tinututulan ng Diocese of San Pablo

SHARE THE TRUTH

 12,614 total views

Tinututulan ng mga residente ng Pakil, Laguna ang pagtatayo ng ‘dam’ at pasilidad sa gagawing 1400-megawatt Ahunan Pumped-Storage Hydropower Project para tugunan ang kakulangan sa supply ng kuryente sa Pilipinas.

Inihayag ni Danilo Francisco, chairman ng Committee on Justice and Peace and Integral Ecology of Laguna Economical Movement ng Diocese of San Pablo na ang proyekto ay magdudulot ng paghina o pagbabago sa kultura, pananampalataya, at kabuhayan ng mga taga-Pakil.

“Ang usaping ito sa Pakil ay hindi lamang usapin ng environment… Hindi lamang ito usapin ng bundok, kasi sa Pakil, ang bundok na iyon ay bundok ng mga deboto. Mayroon doong taunang tradisyon na kung saan ang mga deboto ay umaakyat sa bundok na may pasan-pasan na krus at itinitirik nila sa bundok, para ang mga deboto ay makasama ang kalikasan at makita ang mukha ng Diyos sa Kaniyang nilikha,” pahayag ni Francisco sa panayam sa programang Veritasan.

Pinuna rin ni Francisco ang mga kakulangan ng proyekto pagdating sa mga permit at sa naging proseso nito sa pagkonsulta sa mga residente.

Tinatayang abot sa tatlong daang ektarya ng lupain ang sasakupin ng itatayong Ahunan dam, kabilang ang kabundukan, kagubatan, at ang Laguna lake na pinagkukunan ng kabuhayan ng mga residente.

Alam ni Francisco ang kakulangan sa supply ng enerhiya sa bansa kaya’t nakikiusap ito sa pamahalaan na lumikha ng mga proyektong hindi magdudulot ng labis na pinsala sa kalikasan at sa mga tao.

Noong nakalipas na Marso nang maglabas ng panawagan si San Pablo Bishop Marcelino Antonio Maralit, sa Department of Energy, Ahunan Power Inc., at Department of Environment and Natural Resources, na muling pag-aralan ang proyekto at tiyakin ang tunay na konsultasyon sa mamamayan.

Michael Añonuevo with Intern- Michael Encinas

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 20,236 total views

 20,236 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 36,324 total views

 36,324 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 74,031 total views

 74,031 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 84,982 total views

 84,982 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 28,193 total views

 28,193 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 28,194 total views

 28,194 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »
Scroll to Top