Bagong Energy Secretary Garin, binatikos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 41,006 total views

Mariing kinondena ng mga makakalikasang grupo, faith-based organizations, at mga residente ng Quezon ang muling pagbibigay ng exemption sa coal moratorium para sa proyektong coal-fired powerplant sa lalawigan.

Ito ay ang 1,200-megawatt Atimonan One Energy Inc. (A1E) coal plant ng Manila Electric Company (Meralco) at PowerGen, na muling binigyang pahintulot ng bagong talagang Department of Energy (DOE) Secretary Liza Garin.

Ayon kay Fr. Warren Puno, Regional Coordinator ng South Luzon Eco-Convergence ng Caritas Philippines at kura paroko ng Our Lady of Peace and Good Voyage Parish sa Atimonan, ang hakbang na ito ay hindi na iba sa ‘death sentence’ para sa mga taga-Quezon at pagwawalang-bahala sa karapatan ng mamamayan sa malinis at ligtas na kapaligiran.

Matagal nang tinututulan ng lokal na pamayanan ang A1E project upang maiwasan ang paglala ng polusyon at pagkasira ng kalikasan sa tinaguriang “coal capital” ng bansa.

“Then [Secretary Rafael Lotilla] made a long-overdue yet welcome move when it revoked A1E’s exemption in April. Secretary Garin’s first step as the newly appointed DOE chief is gravely disappointing, ignoring our people’s right to a livable environment and clean energy in the face of the climate crisis. By taking sides with Meralco’s coal bid once more is no less than a death sentence for the people of Quezon,” pahayag ni Fr. Puno.

Samantala, binatikos din ni Power for People Coalition (P4P) convenor Gerry Arances ang pagbibigay muli ng exemption at “committed capacity status” sa A1E project dahil luma na at dapat nang ipawalang bisa ang Environmental Compliance Certificate (ECC) ng proyekto.

Dagdag pa ni Arances, nilalabag ng Meralco ang limitasyon ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) sa pagkontrata ng power capacity mula sa mga planta na pagmamay-ari o kasosyo nito, na maaaring humantong sa abuso sa presyo at konsumer.

“It’s a recipe for disastrous price plays and consumer abuses. The DOE has no business throwing caution to the wind when it comes to Meralco,” giit ni Arances.

Binigyang-diin naman ni Fr. Puno na ituon na lamang ng DOE ang suporta sa renewable energy at ihinto na ang pagtangkilik sa mga fossil fuel projects..

Paliwanag ng pari, mas kailangan ang agarang paglipat patungo sa malinis at abot-kayang enerhiya sa gitna ng tumitinding climate crisis na labis na nagpapahirap sa mga maralita.

Hinamon din ni Fr. Puno si Garin na aniya ay nasa katungkulan upang tunay na maisakatuparan ang paglipat sa ligtas na enerhiya para sa kapakanan ng mamamayan.

“We need to tap our country’s abundance of renewable energy sources and stop allowing more fossil fuel projects. Secretary Garin is in a position to make this transition happen; otherwise, she is committing a disservice to our communities and to Filipino consumers as a whole, and would only perpetuate the administration’s legacy of costly and dirty energy,” saad ni Fr. Puno.

Sa Laudato Si’, una nang nanawagan ang yumaong Papa Francisco sa mga mambabatas na bumuo ng mga patakarang magtataguyod ng paggamit ng renewable energy kapalit ng fossil fuel, upang tuluyang mabawasan at maiwasan ang matinding polusyon at mapaminsalang emissions mula sa pagsusunog ng fossil fuel.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 5,087 total views

 5,087 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 33,651 total views

 33,651 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 83,665 total views

 83,665 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 79,343 total views

 79,343 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 114,611 total views

 114,611 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top