Caritas Tarlac, nagpapasalamat sa tulong ng Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 44,948 total views

Nagpahayag ng pasasalamat ang Caritas Tarlac sa tulong na ipinagkaloob ng Caritas Manila sa mga apektado ng pagbaha at matinding pag-ulan dulot ng hanging Habagat na pinalakas ng Bagyong Crising, Dante, at Emong.

Ayon kay Fr. Randy Salunga, executive director ng Caritas Tarlac, malaking ginhawa ang naihatid ng social arm ng Archdiocese of Manila para matugunan ang pangangailangan ng mga residente sa apat na bayan ng Tarlac na labis na naapektuhan ng kalamidad.

Ibinahagi ni Fr. Salunga na ang tulungang ito ay naging simbolo ng pagkakaisa at malasakit ng Simbahan, patunay na buhay at aktibo ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, lalo na sa oras ng pagsubok.

“Tayo bilang mga Kristiyano, ito po ang pamamaraan natin ng pagpapakita ng pagmamahal sa Diyos… Ito po ay patotoo na buhay ang Diyos, kasama natin ang Diyos, at hindi rin nagpapabaya ang Diyos, lalo na sa ganitong pagkakataon—at nararamdaman nila na ang simbahan ang unang-unang lumapit sa kanila,” pahayag ni Fr. Salunga sa programang Caritas in Action ng Radyo Veritas.

Tiniyak din ng pari na anumang sitwasyon, paniniwala, o relihiyon, nakahandang tumugon ang Simbahan sa mga higit na nangangailangan.

Hinikayat ni Fr. Salunga ang lahat na ipagpatuloy ang misyon ng pagtulong sa kapwa, lalo na sa mga mahihirap, upang maipadama ang pagkalinga ng Diyos.

“Kung paano n’yo po kami natulungan dito sa Tarlac, tulungan din po natin ang iba pa nating mga kapanalig. Sana po ay huwag kayong magsawa sa pagtulong,” saad ni Fr. Salunga.

Batay sa pinakahuling tala ng Caritas Manila, umabot na sa 30,600 katao mula sa iba’t ibang diyosesis sa National Capital Region at mga karatig-lalawigan ang nabigyan ng tulong, na may kabuuang halaga na humigit-kumulang ₱6.3 milyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa loob ng 24 oras

 7,625 total views

 7,625 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 25,425 total views

 25,425 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 25,425 total views

 25,425 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 139,029 total views

 139,029 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 161,002 total views

 161,002 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MEF, nanawagan sa DENR ng pananagutan

 7,419 total views

 7,419 total views Nanawagan ng pananagutan at agarang reporma sa waste management ang Mother Earth Foundation kasunod ng sunog sa Navotas Sanitary Landfill sa Barangay Tanza

Read More »
Scroll to Top