Kasunduan ng BuCor at UP sa edukasyon ng PDL’s, pinuri ng CBCP-ECPPC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,702 total views

Pinuri ng Episcopal Commission on Prison Pastoral Care ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP–ECPPC) ang nilagdaang kasunduan sa pagitan ng Bureau of Corrections (BuCor) at University of the Philippines (UP), na layong palawakin ang access sa edukasyon para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) na bahagi ng kanilang paghahanda sa muling pagbabalik sa lipunan.

Ayon kay Military Bishop Oscar Jaime Florencio, tagapangulo ng CBCP–ECPPC, isang mahalagang hakbang ang pagtutulungan ng dalawang institusyon upang mabigyan ng mas malawak na pagkakataon sa pagkatuto ang mga bilanggo.

This is a good move because it will help our PDLs be equipped while serving their verdicts. And this will be a way of giving them dignity as persons. When they go out more or less, they can be inserted into the mainstream of society,” pahayag ni Bishop Florencio sa Radyo Veritas.

Sa ilalim ng nilagdaang Memorandum of Agreement (MOA), magkakaroon ng access ang mga kawani ng BuCor at mga PDL sa mga Massive Open Online Courses (MOOCs) ng UP Open University (UPOU), na nakatuon sa edukasyon at workforce development.

Makikipagtulungan din ang UP Alumni Association (UPAA) sa BuCor at UPOU para sa paghahanda ng mga information materials, pagtanggap ng mga katanungan, pagpapatala, at gabay sa pagsasakatuparan ng programa.

Bukas din ang Job Placement Office ng UPAA para sa mga PDL na makakatapos ng kurso sa UPOU at palalayain na ng BuCor, bilang suporta sa kanilang paglipat tungo sa panibagong buhay.

Bukod sa kasunduang pang-edukasyon, bahagi rin ng MOA ang land exchange sa pagitan ng BuCor at UP. Gagamitin ng BuCor ang 500 ektaryang lupain ng UP sa Laguna–Quezon land grant para sa pagtatayo ng Regional Prison Facility sa Laguna, bilang paghahanda sa planong pagsasara ng New Bilibid Prison sa 2028.

Kapalit nito, maaaring gamitin ng UP ang 500 ektaryang lupain ng BuCor sa Iwahig, Puerto Princesa City, Palawan para sa pagtatayo ng mga pasilidad pang-edukasyon.
Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr., magsisilbing huwaran ang kasunduang ito para sa mga susunod pang pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan na layuning paigtingin ang pagbibigay ng makabuluhang serbisyo publiko.

Kabilang sa mga lumagda sa kasunduan sina Director General Catapang, UP President Atty. Angelo Jimenez, UPOU Chancellor Dr. Joane Serrano, at UPAA President Robert Lester Aranton.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 1,319 total views

 1,319 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 29,883 total views

 29,883 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 79,897 total views

 79,897 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 75,726 total views

 75,726 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 111,246 total views

 111,246 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top