Tularan ang halimbawa ni San Roque, panawagan ni Cebu Archbishop designate Uy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 47,144 total views

Sa kapistahan ni San Roque, hinimok ni Cebu Archbishop-designate Alberto Uy ang mananampalataya na tularan ang halimbawa ng pintakasi laban sa salot sa pamamagitan ng tapat na paglilingkod sa maysakit at naghihingalo.

Sinabi ng obispo na mahalaga ang pakikilakbay sa mga may karamdaman upang maipadama ang diwa ng pagkalinga at pakikiisa.

“St. Roque did not avoid plague-stricken cities—he entered them. His example calls for a presence ministry that offers comfort and hope simply by being there,” ayon kay Archbishop Uy.

Binigyang-diin ng Arsobispo ang limang aral mula sa buhay ng santo: habag na lumalapit sa nagdurusa, paglilingkod na hindi naghahanap ng papuri, pananampalatayang nagbibigay-lakas sa gitna ng sakit, pagkakita kay Kristo sa maysakit, at pagbibigay ng pag-asa ng buhay na walang hanggan.

“In a culture that often values service by the applause it gets, St. Roque teaches us to serve quietly, focusing on the dignity of the person rather than on public approval,” dagdag ng obispo.

Iginiit ng archbishop designate na ang ministeryo sa maysakit ay hindi lamang simpleng serbisyong panlipunan kundi higit na paglilingkod sa kapwa.

“Ministry to the sick is not simply a social service—it is a sacred encounter with Christ Himself,” aniya.

Sa kasalukuyang panahon na marami ang natatakot sa kamatayan, binigyang-diin ng Arsobispo ang kahalagahan ng pagdadala ng pag-asa.

“In a time when many fear death, ministers can be bearers of the Christian hope that death is not the end but the doorway to eternal life,” paliwanag ng opisyal.

Umaasa ang obispo na isabuhay ng bawat isa ang mga halimbawa ng santo lalo sa sa kasalukuyang kalagayan ng mundo na nababalot ng iba’t ibang uri ng salot.

“In a world where many feel abandoned in their sickness, St. Roque reminds us that presence, faith, and hope are the greatest gifts the Church can give,” ani arsobispo.

Si San Roque ay ipinanganak sa Pransya noong 1295 at inialay ang kanyang buhay sa paglilingkod sa mga may karamdaman lalo na ang mga biktima ng salot.

Pumanaw ang santo taong 1327 at kinilalang patron ng mga maysakit at dinadapuan ng salot.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 16,498 total views

 16,498 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 66,512 total views

 66,512 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 62,381 total views

 62,381 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 98,454 total views

 98,454 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 106,331 total views

 106,331 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top