Vengeance is not Justice, Justice is not vengeance!

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 441 total reads

Manila, Philippines– Ito ang binigyang diin ng Families of the Victims of Involuntary Disappearances o F-I-N-D sa pagkapasa ng House Bill 4727 o ang Reimposition of Death Penalty Bill sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ayon kay Nilda Lagman Sevilla, chairperson ng F-I-N-D, hindi kailanman makakamit ng sinuman at maging ng bayan ang hinahangad nitong katarungan mula sa anumang krimen o kasalanan sa pamamagitan ng isa pang krimen.

Giit ni Sevilla, restorative justice at pagsasa-ayos ng justice system ng bansa ang pinaka-napapanahong tutukan ng mga mambabatas at hindi ang pagbabalik ng parusang kamatayan.

“Masyado kaming malungkot pero lalo pa ding umalab ang aming damdamin na ituloy yung laban against the death penalty, kasi po Vengeance is not Justice and Justice is not Vengeance. Hindi po retributive justice but restorative justice, yung justice na ibinabalik yung broken relationship at tinutulungan yung mga nagkakasala na marealize nila yung magnitude ng kanilang offense at magbago at ma-reintegrate muli sa lipunan na maging productive member of the society, kapag pinatay po natin sino pa ang irereform, sino pa ang irerehabilitate natin, sino pa ang paparusahan.” pahayag ni Sevilla sa panayam sa Radio Veritas.

Magugunitang binigyagng diin ni CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant Peoples Chairman at Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos na hindi lahat ng legal ay moral kung saan kahit pa maibalik ang parusang kamatayan ay mananatili pa rin itong kasalanan sa mata ng Diyos at ng Maykapal.

Read: http://www.veritas846.ph/hindi-lahat-ng-legal-ay-moral/

Kaugnay nito, iginiit ni Agusan del Norte 1st District Representative Lawrence Fortun na hindi maaring dagdagan ng mga mambabatas sa Senado ang mga kaso o krimeng maaring patawan ng parusang kamatayan maliban sa drug related offenses na naipasa sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara.

Inihayag ng mambabatas na illegal ang pagdadagdag ng iba pang krimeng maaaring patawan ng parusang kamatayan bukod sa naipasang bersiyon ng Kamara.(Reyn Letran)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 61,026 total reads

 61,026 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 147,523 total reads

 147,523 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 190,559 total reads

 190,559 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 240,318 total reads

 240,318 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 398,570 total reads

 398,570 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top