Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

“Until when will Sierra Madre save us?” -Bishop Alminaza

SHARE THE TRUTH

 3,830 total views

Mariing nanawagan ang simbahan, para sa paghihilom ng mga kabundukan lalo na ang Sierra Madre na pangunahing proteksyon ng mga tao laban sa malalakas na bagyo.

Ayon kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, D.D., incoming president ng Caritas Philippines at incoming chairman ng CBCP–Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace, kinakailangan ang pagkilos ng pamahalaan at mamamayan upang pangalagaan ang kalikasan at labanan ang katiwalian.

Ang pahayag ay makaraang muling mailigtas ng Sierra Madre ang bansa mula sa matinding pinsala ng Bagyong Uwan.

Nagpasalamat din ang Obispo sa biyayang hatid ng Panginoon ng kalikasan, subalit nababahala dulot na rin ng mga pagmamalabis ng tao sa kalikasan.

Ayon kay Bishop Alminaza, “Until when will Sierra Madre save us?”

Iginiit ng obispo, ang mga bundok ay unti-unti nang nasasaktan dahil sa patuloy na pagkakalbo ng kagubatan, quarrying, illegal logging, at mga mapanirang proyekto.

“Our mountains are crying. The wounds of Sierra Madre mirror the wounds of our nation — greed, corruption, and neglect,” ayon sa obispo.

Paliwanag ni Bishop Alminaza, hindi lamang likas na kalamidad ang dapat pangambahan, kundi ang mga kalamidad na kagagawan ng tao na dulot ng kapabayaan at katiwalian.

“Natural disasters are made worse by human disaster. Every typhoon exposes not just our vulnerability to nature, but our failure as a people to care for creation and for one another. Ghost projects, substandard flood controls, and the misuse of public funds are not just technical issues — they are moral failures. They cost lives,” ayon sa obispo.

Dagdag ni Bishop Alminaza, “As Church, our response cannot end with relief. We must move from rescue to reform, from rehabilitation to renewal.”

Panawagan ng obispo ang pamumuhunan sa pagsasaayos ng kagubatan, pangangalaga sa mga watershed, at pagtitiyak ng tapat na pamamahala.

Nanawagan din si Bishop Alminaza sa pamahalaan na gawing pangunahing layunin ang pangangalaga sa kalikasan at tapat na pamamahala sa disaster preparedness.

“Please ensure that ecological protection and honest governance are at the heart of disaster preparedness,” ani ng Obispo.

Binigyang-diin din niya ang tungkulin ng Simbahan sa paghubog ng mga tagapangalaga ng kalikasan at tagapagbantay ng katapatan sa serbisyo publiko.

“Continue forming ecological stewards, watchdogs of transparency, and companions of the poor who always suffer first and recover last,” dagdag pa niya.

Sa mga mamamayan naman, panawagan ng Obispo: “Wag tayong masanay sa laging relief mode. Let us demand justice, honesty, and care for creation.”

Ipinaalala ni Bishop Alminaza na ang pananampalataya ay dapat magtulak sa pagkilos.

“Faith must move us from gratitude to responsibility. If God continues to save us through creation, then the least we can do is to protect creation in return.”

Binigyang-diin niyang panahon na upang tulungan ang Sierra Madre na makapaghilom. “Let us not exhaust the mercy of Sierra Madre — let us help her heal.”

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Silipin din ang DENR

 8,534 total views

 8,534 total views Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang kinahinatnan ng maraming lugar sa probinsya ng Cebu matapos dumaan doon ang Bagyong Tino.  Mistulang binura sa mapa ang

Read More »

Prayer Power

 55,064 total views

 55,064 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 92,545 total views

 92,545 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 124,481 total views

 124,481 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 169,193 total views

 169,193 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Pope Leo XIV: ‘War is never holy’

 39,507 total views

 39,507 total views Nanawagan si Pope Leo XIV para sa kapayapaan at pagkakaisa sa pagitan ng mga bansa at relihiyon sa pandaigdigang pagtitipon ng Community of

Read More »
Scroll to Top