Cardinal David, nanawagan ng makatarungang ‘climate action’sa COP30 Summit

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,214 total views

Ibinahagi ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang kalagayan at panawagan ng bansa sa isinasagawang 30th United Nations Framework Convention on Climate Change o Conference of Parties (COP30 Summit) sa Belem, Brazil.

Hiniling ni Cardinal David ang panalangin para sa bansa na muling sinubok ng magkakasunod na kalamidad, isang paalala ng lumalalang kahinaan ng buhay sa rehiyong madalas tinatamaan ng malalakas na sakuna.

Inalala ng kardinal ang trahedyang idinulot ng pananalasa ng Supertyphoon Yolanda noong 2013 na kumitil ng libo-libong buhay at nag-iwan ng malawak na pinsala, na hanggang ngayon ay hindi pa rin napapawi sa alaala ng sambayanan.

“Many of us still carry the scars of that tragedy. And yet, in the span of just two decades, we have been enduring stronger, wetter, and deadlier typhoons across the Western Pacific, storms that form more quickly, intensify more violently, and devastate more communities than ever before,” ayon kay Cardinal David.

Iginiit ni Cardinal David na nagpapakita ang mga pag-aaral na dahil sa umiinit na Western Pacific—ang pinakamainit na ocean basin sa mundo—ay mas mabilis at mas matindi ang mga nabubuong bagyo, at kasabay nito ang pagkamatay ng coral reefs na pinagmumulan ng mga puting buhangin sa mga tanyag na dalampasigan ng bansa.

Tinukoy ng kardinal na ang Pilipinas, na ngayo’y itinuturing na pinaka-disaster-prone na bansa, ay tumataas ang pangingibang bansa ng mga tao dahil sa lumalalang sakuna, habang ang labis na urbanisasyon at hindi maayos na pamamahala sa basura ay nagpapalala sa pagdurusa ng mahihirap at pagkasira ng kapaligiran.

“Creation groans—and creation’s cry is the cry of our people,” saad ng kardinal.

Binigyang-diin ni Cardinal David ang mahalagang panawagan ng mga obispo ng Global South, ang Symposium of Episcopal Conferences of Africa and Madagascar (SECAM), Latin American and Caribbean Episcopal Council (CELAM), at Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC), para sa ecological conversion at pagtalikod sa mga maling solusyon tulad ng carbon markets at offsets na aniya’y nagpapahintulot sa mayayamang bansa at korporasyon na ipagpatuloy ang negosyo habang ang mga mahihinang bansa ang higit na apektado ng pinsala.

Isinulong din ng kardinal ang Earth Tariff, isang mekanismong pinapanagot ang industriya ng pagmimina bago pa man mangyari ang pinsala, na inihain ng Mindanao-Sulu Pastoral Conference.

Aniya, hindi lamang ito panukalang pondo, kundi konkretong hakbang tungo sa katarungan, pangangalaga sa kalikasan, at tunay na pagbabago.

Sa huli, nanawagan si Cardinal David na harapin ng mundo ang krisis nang may pananampalataya, tapang, at pagkakaisa para pangalagaan ang nag-iisang tahanan.

“May we, as a people, stand together—as prayerful disciples, prophetic witnesses, and courageous custodians of the Earth God has entrusted to us,” tagubilin ni Cardinal David.

Isasagawa ang COP30 Summit mula November 10 hanggang 21, 2025, at ito rin ay isang mahalagang pagkakataon dahil bumalik ito sa Brazil, ang unang host ng 1992 Rio Earth Summit kung saan pinagtibay ang UNFCCC.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 11,282 total views

 11,282 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 34,434 total views

 34,434 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 104,547 total views

 104,547 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 179,160 total views

 179,160 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 258,477 total views

 258,477 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top