Kinalabasan ng COP30 summit, binatikos ng Living Laudato Si’ Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 49,239 total reads

Binatikos ng Living Laudato Si’ Philippines ang naging daloy at kinalabasan ng ginanap na 30th United Nations Climate Change Conference of Parties o COP30 Summit sa Belém, Brazil, matapos mabigong maihatid ang kinakailangang “paradigm shift” sa pagharap sa lumalalang krisis sa klima.

Ayon kay LLS Philippines Executive Director Rodne Galicha, malinaw ang pagkakalayo ng pananaw ng COP30 sa panawagan ni Pope Francis sa apostolic exhortation na Laudate Deum, na nagtatakda ng makatao, makatarungan at maka-Diyos na pananagutan ng pandaigdigang komunidad.

Iginiit ni Galicha na kulang sa agarang pagtugon at pananagutan ang naging tugon ng mga delegado, taliwas sa hinihinging solusyong epektibo, may obligasyon, at madaling masubaybayan, na dapat nakabatay sa moral na tungkulin ng bawat bansa.

“COP30 was an opportunity to bring the necessary paradigm shift, the change of focus, courage, and clarity towards the climate crisis. It did not deliver that paradigm shift. Pope Francis proposed three measures that are central to climate talks, and that have largely gone unimplemented: ‘drastic, intense and count on the commitment of all’,” pahayag ni Galicha.

Binigyang-diin ng LSS Philippines ang mahalagang papel ng faith-based at Catholic organizations sa pagpapaigting ng makatarungang climate action, lalo na sa pagsasabuhay ng katarungan at pagkakapantay-pantay alinsundo sa sa Laudate Deum.

Sinabi ni Galicha na ang COP30 ay parehong pagkakataon at hamon para sa 1.4 bilyong Katoliko sa buong mundo upang higitan ang simpleng paniniwala at isabuhay ang konkretong pagkilos batay sa makataong pananagutan.

“It is time for the Catholic community to take collective action for climate justice and advocate for the most vulnerable communities and ecosystems. Calls to accountability through genuine sustainable grassroots mobilization is needed, grounded in the responsibility and faith we share,” ayon kay Galicha.

Binanggit niya ang paalala ni Pope Leo XIV na hindi lamang dapat pangalagaan ang daigdig kundi maging masigasig na tagapagtaguyod ng katarungang pangklima, lalo na sa Global south at Amazon.

Kabilang din dito ang panawagan para sa tunay na pagkakaisa at aktibong pakikilahok bilang mamamayan, at hindi pagiging tahimik.

Pinaniniwalaan ni Galicha na dapat manguna ang Holy See bilang moral na tinig sa negosasyon, habang nananatiling hamon sa milyun-milyong Katoliko ang pagsasakatuparan ng konkretong pagkilos para sa climate justice.

“The Holy See must lead the way as one of the strongest moral voices in the negotiations and the challenge remains for the 1.4 billion Catholics to take action in the peripheries, demand climate justice and rally with the communities we serve and ecosystems we protect,” saad ni Galicha.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 50,470 total reads

 50,470 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 136,970 total reads

 136,970 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 180,007 total reads

 180,007 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 229,766 total reads

 229,766 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 388,672 total reads

 388,672 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 191,689 total reads

 191,689 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top